KC Concepcion, manang-mana kay Sharon Cuneta

KC Concepcion, manang-mana kay Sharon Cuneta

KC-ConcepcionBAGO NATAPOS ang 2014, pinasaya ni KC Concepcion ang entertainment press na dumating sa ipinatawag niyang simpleng Christmas party.

Limang taon pa lang sa showbiz ang anak ni Megastar Sharon Cuneta pero alam na niya kung paano mag-share ng kanyang blessings at pahalagahan ang entertaintment press.

Sa Christmas party, namudmod ng SM gift cheques si KC bukod pa sa kanyang mga ipina-raffle na ang lowest ay P5K. Bagma’t hindi lahat ay nanalo, wala rin namang umuwing luhaan dahil namudmod din ng cash gift ang dalaga.

Sa ipinakitang gestures ni KC, naalala tuloy ng marami ang nanay niyang si Shawie kung gaano rin ito ka-generous sa entertainment press tuwing Christmas season and Valentine’s Day.

Every Christmas, nagpapadala ng cash gifts or grocery items si Sharon na siya mismo ang personal na nagsusulat ng dedication sa Christmas card.

Nitong 2014 lang wala dahil nagluluksa pa rin si Sharon sa pagkamatay ng mahal niyang ina na si Mommy Elaine Cuneta. Pero never talaga siyang pumalya every year for more than a decade.

And this time, ang anak naman niyang si KC ang may ganito ring effort na kahit tapos na dapat ang raffle ay panay pa rin ang dagdag niya ng prizes. Nakakatuwa at tunay na nakakataba ng puso. Salamat din KC!

At dahil marunong kang mag-share ng iyong mga biyaya, tiyak na magiging positibo rin ang pagpasok ng taong 2015 sa iyong career, huh! That’s for sure.

KC and Paulo Avelino will lead the cast of Exchange Gift na mapapanood simula ngayong Lunes (Jan. 5), bago mag-It’s Showtime para sa Give Love On Christmas series ng Dreamscape Entertainment. They will replace The Gift of Life nina Gerald Anderson and Maja Salvador.

Sa teaser na napanood namin, hindi maitatatwang may kilig talaga ang tambalang KC at Paulo na nagsimula lang pala sa Twitter. Hindi na rin kami magtataka kung after Exchange Gift ay magsama pa ulit ang dalawa sa isang teleserye or maybe sa isang pelikula.

La Boka
by Leo Bukas