KC Concepcion knows her limitations with boyfriend Piolo Pascual

ADVERTISING

 KC Concepcion knows her limitations with boyfriend Piolo Pascual

 KC Concepcion knows her limitations with boyfriend Piolo PascualPOSITIBO TALAGA ANG mga sumunod na pangyayari pagkatapos ng naging pag-amin nina Piolo Pascual at KC Concepcion tungkol sa kanilang relasyon. Pareho silang natahimik tungkol sa kung anu-anong tsismis.

ADVERTISING

Nawala na  ‘yung  image ni KC tungkol sa kanyang pagiging misteryosa pagdating sa pakikipagrelasyon, na hindi malaman kung sino talaga ang tunay niyang boyfriend,  dahil  mara-ming lalaki dati ang iniuugnay sa kanya. Natameme naman ang mga kumukuwestiyon sa gender ni Piolo ngayong alam nilang mayroon na ngang karelasyon ang guwapong aktor.

Ipinagmamalaki nina Piolo at KC na masaya sila sa kanilang relasyon ngayon. Nagugulat silang dalawa, dahil ilang ulit nang mayroong sumisingit na tsismis, na diumano’y nagkakalabuan na sila. Pero magkasabay rin silang nagpatotoo na sila pa ring dalawa, at sobrang okey ang  kanilang relasyon. Hindi pa man nila pinaplano ang tungkol sa kanilang pagpapakasal, kung si Piolo ang masusunod ay garden wedding ang gusto niya.

Nasa ayos talaga ang relasyon nina Piolo at KC. Kamakailan ay nag-bonding sa Boracay ang mag-amang Papa P. at ang bagets niyang anak na si Iñigo. Hinahanap kung bakit hindi raw kasama si KC? Ano ba naman kayo? Delicadeza ang tawag doon. Iyon ang importanteng oras na magkakasama ang mag-ama, at hindi si KC ang ina ni Iñigo para silang tatlo ay magkasama-sama. Alam ni KC ang ganyang limitasyon, kaya kapuri-puri naman siya sa ginawa niya.

ADVERTISING

 

MABAIT NAMANG TAO si Ethel Booba, kaya marami ang nagwi-wish na magkaroon na rin siya ng katahimikan ngayong mayroon na naman siyang guwapong boyfriend na isang foreigner. Ang nakakatakot kasi sa ugali ng seksing komedyana, ay hindi na siya nagtitira ng para sa kanyang sarili kapag nai-in love siya. Kaya naman ang resulta ay nagiging maeskandalo ang kanyang mga pakikipagrelasyon kapag nauwi na iyon sa hiwalayan, lalo na kapag nabuking niyang bukod sa kanya ay mayroon pa palang ibang babaeng kinakalantari ang kanyang boyfriend.

Kapag umayaw na si Ethel sa isang relasyon, nakakalimutan na niya kung ano ang kanyang mga naipundar. Katulad na lamang nu’ng magkahiwalay sila ng dati niyang boyfriend na si Alex Crisano. Nag-live in sila nang matagal, at maraming naipundar na mga gamit si Ethel, dahil napakasipag niyang magtrabaho kapag may raket. Nu’ng iwan ni Ethel si Alex ay naka-limutan niyang balikan at kunin ang mga gamit niyang naipundar. Ang katuwiran ni Ethel, makakabili pa raw ulit siya ng mga nawala. Hindi matiyak ng komedyana kung inangkin na ni Alex o ibinenta na ang mga naiwan niyang gamit.

Dapat bigyan na ni Ethel ng magandang direksiyon ang kanyang lovelife. Hindi na siya bumabata. Napakaguwapo ngayon ng kanyang boyfriend, kaya sana rin ay makuntento na siya at matagpuan na niya kung ano ba ‘yung hinahanap niya sa isang lalakI.

 

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY kay Tita Cristy Fermin. Bilang Kapatid sa panulat ay love namin si Tita Cristy, dahil mapagmahal din naman siya sa kapwa manunulat sa showbiz. Hindi kami ‘yung tipong nagkakasama, pero love ko si Tita kung paanong love ko rin sina Manay Lolit Solis at Tito Alfie Lorenzo, dahil nakakaaliw silang tatlo kapag bumabangka na  silang magkuwento ng tungkol sa showbiz. Mangangawit ang panga mo sa katatawa sa nakakabaliw , makatuturan at mahahaba nilang tsika.

Sinasaluduhan ko si Tita Cristy bilang isang anak, dahil sa kabutihan ng kanyang puso. Na sa nalalabing panahon ng kanyang ama’t ina sa mundo, lalo na nu’ng nakaratay sila sa kanilang mga karamdaman hanggang sa bawian na sila ng buhay, ay hindi sila pinabayaan ng kolumnista at TV host. Naranasan ko rin iyon, at mabigat sa dibdib, malungkot ang bawat araw na dumadalangin ka sa Diyos na sana’y huwag agad kunin sa ‘yo ang mga magulang mo, dahil mahal na mahal mo sila.

Labyu, ‘Tacristy!

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING