KC Concepcion, Kim Chiu at Angelica Panganiban, magaganda nga, mga ampalaya naman!

ADVERTISING

KC Concepcion, Kim Chiu at Angelica Panganiban, magaganda nga, mga ampalaya naman!

KC Concepcion, Kim Chiu at Angelica Panganiban, magaganda nga, mga ampalaya naman!PARE-PAREHONG MAGAGANDA bilang mga artista sina KC Concepcion, Kim Chiu at Angelica Panganiban. Magaganda ang rehistro ng kanilang mga mukha kapag pinapanood sila sa TV screen. Pero ang pare-pareho nilang mga katangian na hindi nakakaaliw ay ‘yung hirap na hirap silang makalimot tungkol sa mga taong dati nilang nakarelasyon at nakahiwalayan. Halatang-halata tuloy na sa dinaanan nilang mga relasyon ay sila ang mga talunan.

Sa gandang iyon ni KC, matalino at sikat na sikat dahil anak siya ng Megastar na si Sharon Cuneta, na habang pinatutunayan ang kanyang sarili sa showbiz at type ligawan ng maraming kalalakihan, ay si Piolo Pascual lang pala ang lalaking wiwindang ng kanyang lovelife. Hanggang ngayon, kapag nagsalita si KC, pahapyaw, pero kung lilimiin ang kanyang mga himutok, mayroon pa rin siyang mga patama sa pinagdaanan nila ng guwapong aktor.

Kapag si Angelica ang bumabangka sa kuwentuhan tungkol sa dinaanang pakikipagrelasyon ay parang ang laki-laki ng naging kasalanan sa kanya ni Derek Ramsay, dahil kahit si John Lloyd Cruz na ang karelasyon niya ngayon, kakaiba pa rin ang hinanakit niya kay Derek.

Nu’ng wala pa sa eksena ang ligawan nina Maja Salvador at Gerald Anderson ay sa bibig ni Kim nanggaling ang mga salitang okey naman sila ni Gerald pagkatapos ng kanilang hiwalayan. Pero nu’ng hayagan na ang panliligaw ni Gerald kay Maja ay bigla na lang umaray at nagsalita si Kim, na sumira sa friendship nila ni Maja.

ADVERTISING

KC Concepcion, Kim Chiu at Angelica Panganiban, magaganda nga, mga ampalaya naman!

NOONG NAKARAANG Sunday ng gabi, habang may dinadalaw akong isang kamag-anak sa aming barangay, sa San Pablo, Sto. Tomas, Batangas na malapit sa isang basketball court, nagulat na lang ako dahil ang dami-daming taong humahangos at papunta sa court, samantalang wala namang anunsiyo na mayroong malaking palaro. ‘Yun pala, katuwaan lang ay dumayo ng paglalaro ang grupo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent na si Jovit Baldivino.

Sa totoo lang kasi, kapag mayroon lang piyestahan o kampanyahan ng mga kandidato mayroong madalas na dumadalaw na mga artista sa aming barangay. Kaya habang naglalaro sina Jovit ay kumalat na sa text ang balita na naroon nga siya, kaya may mga taong galing din sa ibang kalapit-barangay na nagsidatingan para tingnan kung si Jovit nga ang dumating at naglalaro. Sabi ng mga tao, kahit daw maliit lang si Jovit ay magaling daw palang maglaro ng basketball.

Ang hindi lang ako naaliw sa mga sinasabi ng mga taong dumumog at nagpa-picture kasama si Jovit, puro naman sila pintas pagkatapos nilang magpakuha ng litrato kasama ang singer. Maliit lang daw pala si Jovit at hindi naman guwapo!  Susme! Nu’ng lumalaban pa lang si Jovit sa PGT ay kita na talaga na kapos siya sa height, at wala naman siyang ilusyon na siya ay guwapo. Boses lang talaga ang ipinagmamalaki niya. Si Jovit din ang nagda-drive ng kulay black na sasakyan nu’ng papauwi na sila ng kanyang mga kagrupo, na maliliit din ang height. Talaga lang magagaling sila at nag-aaliw makapaglaro. Mabait si Jovit sa mga fans.

 ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING