KC Concepcion, inspired sa ‘relasyon’ nila ni Paulo Avelino

ADVERTISING

KC Concepcion, inspired sa ‘relasyon’ nila ni Paulo Avelino

KC-ConcepcionMUKHANG INSPIRED ang dalaga sa sinasabing “secret alliance”  nila ni Paulo Avelino. Ang dalaga na tinutukoy ko ay si KC Concepcion na nali-link isa sa pinaka-sexy hunk ng showbiz ngayon.

Sa kanyang recent Instagram account posting ng photo ng dalaga, sapat na para sabihin that she and Paulo is playing beautiful music together. Yes, sila na nga kung paniniwalaan natin ang mga pasakalye ng dalawa sa kanilang social media accounts.

Recently, nag-post kasi si KC ng kanyang Cosmopolitan magazine cover katabi ang magazine kung saan si Paulo ay nasa cover din (Cosmo Men Centerfold). Kung sabagay, action speaks louder than words. Hindi man nila inaamin, ang ginagawa ni KC ay sapat na para sabihin na kumpirmado na sila na nga.

Mabuti na rin itong walang confirmation from both parties. Bukod sa tahimik ang sinasabing “relasyon” nila at walang intriga, kita naman natin kung gaano kasaya si KC at inspired sa kanyang trabaho lalo pa’t in full swing ang kanyang trabaho sa Ikaw Lamang as Natalia at si Paulo naman ay abala sa kanyang taping sa Sana Bukas pa ang Kahapon with Bea Alonzo.

ADVERTISING

Kung minsan kasi, kapag ang mga artista na magkarelasyon na ang isa sa kanila ay hindi masyadong busy, kadalasan sa hindi, nababagot ang isa sa kanila at walang ginawa kundi ang maghintay na lang ng date nila kung kailan free ang partner na busy sa kanyang work para magkasama sila.

Sa tipo ni Paulo na ang assessment namin ay merong traits na hanap ng dalaga na “maginoo pero naughty”, perfect description nga ito ng aktor na siyang swak sa hanap ng dalaga.

Basta ang alam ko, pangarap ni KC ang magkaroon ng pamilya tulad ng kay Prince William at Kate Middleton na hindi lang fairytale ang romance kundi naging dream come true at makatotohanan.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING