KC Concepcion, ibinilin ni Paulo Avelino kay Coco Martin

ADVERTISING

KC Concepcion, ibinilin ni Paulo Avelino kay Coco Martin

Paulo-Avelino-KC-ConcepcionKINAUSAP PALA ni Paulo Avelino si Coco Martin na bida ng teleseryeng Ikaw Lamang na alagaang mabuti si KC Concepcion. Ayon sa aming source, seryoso ang tagubilin ni Paulo kay Coco.

Sey naman daw ni Coco, walang dapat alalahanin si Paulo. Siya na raw ang bahala kay KC habang nagti-taping sila ng Ikaw Lamang.

Aba, bakit ganu’n kaya ang pakiusap ni Paulo kay Coco? Takot ba itong maagaw ng aktor sa kanya si KC? Eh, ‘di ba, hindi pa naman nila inaaming sila na nga?

Anyway, ginagampanan ni KC ang karakter ni Natalia sa book 2 ng Ikaw Lamang. Siya bale ang anak ni Franco, dating ginampanan ni Jake Cuenca at ngayon ay ipo-portray naman ni Christopher de Leon.

ADVERTISING

About Paulo, napapanood naman siya sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon bilang kapartner ni Bea Alonzo.

Sa tingin namin, pangit tingnan kung ngayon sila aamin kasi nasa magkaiba silang teleserye. Wait na lang nating ang kanilang announcement kapag ready na sila pareho.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING