KC Concepcion, hinding-hindi mawawala ang respeto sa inang si Sharon Cuneta

KC Concepcion, hinding-hindi mawawala ang respeto sa inang si Sharon Cuneta

KC-concepcionNAGKAKAEDAD NAMAN si Sharon Cuneta, na masasabing napakasaya ng kanyang buhay dahil napakarami niyang nakuhang suwerte na wala ang ibang tao. Pero kahit napakataas ng tingin sa Megastar, siya rin naman mismo ang nagsasabing hindi perpekto ang kanyang buhay. Bilang mommy, walang maibubutas sa kanya dahil sobra siyang magmahal sa kanyang mga anak. Marahil nga lang, epekto pa rin ng kanyang mga pinagdaanang problema, kaya ang bilis-bilis niyang mag-react sa kung anU-anong puwede niyang patulan.

Ano ba ang nangyari sa kanila ng panganay niyang anak na si KC Concepcion pagkatapos ng nangyaring intriga dahil sa hindi nagustuhan ni Shawie na konting pagpapaseksi ng kanyang anak? Hayun, ilang araw din naman si KC na dumadalaw at nag-i-stay sa hospital nu’ng magkasakit ang kanyang mommy. Kasi nga, kung walang ina na makatitiis sa kanyang mga anak, si KC naman ay isang anak na hindi rin kayang tumalikod sa kanyang magulang.

Anuman ang mga maging reklamo ni Sharon kapag mayroon siyang hindi nagugustuhan sa mga desisyon ni KC, iiyak na lang at magpapasensiya sa anak nila ni Gabby Concepcion. Pero kahit kalian, masaktan man ang magandang aktres, hinding-hindi niya gagawing dahilan na mawala ang kanyang respeto sa kanyang mommy. Talaga lang ang kakaibang ugali nga niya ay gusto lang niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, at doon dati nagulat ang Megastar.

ChorBA!
by Melchor Bautista