KC Concepcion, hayaan nang magpa-sexy hangga’t p’wede pa

KC Concepcion, hayaan nang magpa-sexy hangga’t p’wede pa

KC-ConcepcionPARANG NASASANAY na tayo sa away ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, kagaya ng away nina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Pero pinag-uusapan pa rin at ang latest nga itong kina Sharon at KC.

Inamin ni KC nu’ng kamakalawa ng gabi, sa opening ng photo exhibit nila ng photographer na si Marc Nicdao sa SM Megamall.

Hindi kasi talaga ma-take ni Sharon ang mga sexy pictorials ni KC kaya nag-react ito at nag-post sa Facebook account niya.

Pero nitong bandang huli, nag-post na raw siya uli na ayaw na raw niyang mag-post uli ng mga kanegahan. Ang sasabihin na lang daw niya ay kapag meron nang magandang balita tungkol kay KC.

Kaya siguro suportahan na ni Sharon ang anak niya sa photo exhibit nito.

Pero sa totoo lang, ang napapansin ko na parang nagiging kamukha na ni KC si Mommy Elaine, ha!

Kaya hayaan na lang na magpa-sexy pictorial si KC, ‘no! Hangga’t sexy pa siya. Baka mamaya tumaba na ‘yan, hindi na siya puwedeng mag-pictorial ng sexy.

Kaya habang kaya pang magpa-sexy, hayaan na, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis