KC Concepcion, gustong pormahan ng isang pulitiko

ADVERTISING

KC Concepcion, gustong pormahan ng isang pulitiko

KC-ConcepcionMALAKI NAMAN ang tiwala ni Sharon Cuneta kay KC Concepcion na kung darating na ang panahon na mag-aasawa ang kanyang panganay na anak ay sa tamang panahon na handa na talaga ang magandang aktres para sa responsibilidad na iyon. Sa pakiramdam daw kasi ng Megastar, hindi nagmana sa kanya si KC na sobrang napaaga noon ang kanyang pagpapakasal sa kanyang nakahiwalayang asawa na si Gabby Concepcion.

Bilang ina, lagi namang pinatutunayan ni Sharon ang kanyang pagdamay sa tuwing mangyayari na si KC ay dumaraan sa malulungkot na sitwasyon tungkol sa kanyang lovelife. At ang pinakamalungkot nga ay sa panahon na nahihirapan si KC sa paghihiwalay nila noon ni Piolo Pascual. Pero sa mga pinagdaanan ng kanyang panganay ay bilib si Shawie, nakakayanan ni KC na malampasan ang mga pagsubok na iyon.

Tulad ni Sharon nu’ng siya ay dalaga pa hanggang mapahiwalay kay Gabby, hindi niya ipinangangalandakan na sobra siyang ligawin, hanggang sa si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na ang mapangasawa niya. Ganu’n din si KC ngayon na ang dami-daming nanliligaw. Isa si Vice Governor Mark Leviste ng Batangas ang usap-usapang sobra ang paghanga kay KC. Ewan lang kung makalalapit si Leviste kay KC ngayong si Paulo Avelino ang laging nakadikit sa magandang aktres.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING