KC Concepcion, gustong mas mapalapit pa kay Sharon Cuneta

KC Concepcion, gustong mas mapalapit pa kay Sharon Cuneta

KC-ConcepcionTODO-TODO ANG pasabog ng cash at gift check ni KC Concepcion sa kanyang Christmas party & Thanksgiving for the press last December 2014. Lahat may take home na P5K (P2,000 cash and P3,000 gift check) kahit hindi ka manalo sa raffle. Sobrang pinasaya ng dalaga ang entertainment writers, photographers at mga camera man. Masasabi naming pinakabongga si KC sa lahat ng Christmas party na dinaluhan namin last 2014. Kung dati-rati, sina ER Ejercito at Kris Aquino ang nangunguna sa mga celebrities na fabulous ang pinamimigay na Pamasko, kinabog sila ngayon ni KC. Malamang maging Darling of the Press ang singer-actress this year sa PMPC Star Awards sa pagiging generous nito sa media.

Ramdam mo kasi ang pagiging sincere ni KC at pagiging totoo kaya’t marami ang nagmamahal sa kanya. Sabi nga niya, “Maraming magagandang bagay na nangyari sa akin sa 2014, nanalo ako ng awards. Tuluy-tuloy ang TV project ko with ABS-CBN. Gusto ko namang i-share ang blessing with the press. Kahit nagluluksa pa rin si KC sa pagkamatay ni Mommy Elaine Cuneta, tuloy pa rin ang pagbibigay saya niya sa media. Ito’y bilang pasasalamat niya sa suportang ibinibigay sa kanya ng press people. Ayon nga kay Eric John Salut na emcee that night, every year may pa-Christmas party si KC for the press.

Napag-usapan namin ni KC ang mom niyang si Sharon Cuneta. “Feeling niya kasi palagi ako na kay Mamita (Elaine Cuneta). Ito na ‘yung chance, wala na si Mamita. Hindi na naman siya ganu’n ka-busy. Busy siya pero hindi tulad ng dati na hindi kami nagkikita. Sabi ko sa kanya, I want you to know na mahal kita. Ikaw naman ang Mommy ko. Sana magkaroon ng opportunity na mag-open ‘yung heart namin sa isa’t isa. And I’m really proud of her because she’s starting taking care of her self.”

Maging si KC gusto rin niyang pumayat si Mega. “Huwag lang ‘yung payat na mabilis, not sexy but happy and healthy. Kailangang mahalin mo ang sarili mo. Kasi, hindi ko kaya na may sakit din siya, kakawala pa lang ni Mamita. Kailangang mahalin natin ang sarili natin, tayo na lang…”

Wish ni KC para sa Megastar? “Wish ko sa kanya, sana makapag-exercise siya pero nahihiya pa siya. Kailangan niyang magpapayat kasi may plan, may mangyayari, this 2015.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield