KC Concepcion, ‘di na maawat sa sobra-sobrang sexy sa pictorial!

ADVERTISING

KC Concepcion, ‘di na maawat sa sobra-sobrang sexy sa pictorial!

KC Concepcion, ‘di na maawat sa sobra-sobrang sexy sa pictorial!

MARAMI ANG nagulat sa sexy pictures ni KC Concepcion na kuha sa ini-endorso nitong inuming panlalaki na halos kita na ang kaluluwa nito. Hindi nga raw inaakala ng marami na aabot sa sobra-sobrang pagpapa-sexy ang anak ng Megastar na si Sharon Cuneta, dahil na rin sa wholesome image ng ina nito na ni minsan ay hindi nagpa-sexy, mapa-pelikula, endorsement, o sa TV man.

Tsika nga sa mga nakakita sa mga naglabasang litrato nito na nagtuluy-tuloy na raw ang pagiging wild ni KC simula nang nag-break sila ni Piolo sa walang pakundangang pagpo-pose nito nang sexy sa litrato. Wala raw nag-aakala na ang isang anak ng isang Megastar ay magagawa ang ganitong klaseng pagpapa-sexy.

Tanong nga ng karamihan, ano raw kaya ang reaksiyon ni Sharon Cuneta at ng ama nitong si Gabby Concepcion at stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan sa mga litrato ni KC sa kanyang iniendorsong alak, na halos kita na ang ilan sa maseselang parte ng katawan nito. ‘Yun ang ating aalamin!

ADVERTISING

 

MULA SA pagiging mayor ng Olongapo, hindi na talaga maawat sa pagiging certified recording artist ang mabait, masipag at very generous na si Bong Gordon dahil sa tagumpay ng kanyang mga ginawang album, produced ni Margot Gallardo at distributed ng Viva Records.

Tsika nga ni Mayor nang pumasyal sa programa ni Kuya German Moreno with the Badingdings, ang kanyang 1st album entitled “Fighting for Excellence” ay isang certified platinum. Samantalang ang kanyang 2nd album entitled “Deep Inside My Mind” ay isa na ring certified gold at malapit nang ma-reach ang platinum.

At sa kanyang pinakabago at 3rd album entitled “Let’s Celebrate with the Bonggo” na naglalaman ng mga awiting naangkop sa iba’t ibang selebrasyon sa bansa, masaya ang  tinaguriang the Singing Mayor of Olongapo dahil malapit na rin nitong ma-reach ang gold. Kaya naman daw very thankful si Mayor Bong sa mga taong  patuloy na sumusuporta ng kanyang mga album.

 

KILIG DAW ang hatid ang bagong pinagtatambal ng GMA 7 via Cielo De Angelina na sina Hiro Magalona at Ashley na pinakabagong dagdag sa youngstars ng Kapuso Network.

Marami nga ang nagsasabing bagay na bagay ang dalawa na parehong matangkad at magandang tingnan sa screen. Ang mga ito nga raw ang isa sa puwedeng isunod na bigyan ng magandang break ng GMA 7 pandagdag sa mga sikat na loveteams ng Kapuso Network mula kina Dingdong at Marian, Aljur at Kris, Jake at Bea, Kristoffer at Joyce, atbp.

Marami nga raw ang nakapapansin sa sweetness ng mga ito sa tuwing magkakasama sa taping ng Angelina, may mga sandali nga raw na ang mga ito lang ang magkasama na nag-uusap, nagkukulitan at nagtatawanan.

All smile nga raw si Hiro everytime na matatanong dito ang kanyang ka-loveteam na si Ashley at puros magagandang salita ang namumutawi sa bibig nito, everytime na nababanggit ang pa-ngalang Ashley. ‘Yun na!

KC Concepcion, ‘di na maawat sa sobra-sobrang sexy sa pictorial!

HANDA NGANG isakripisyo ni Alfred Vargas ang kanyang showbiz career para sa mga taong nangangai-langan ng tulong.

At kahit nga maraming offers sa kanya na gumawa ng telerseye at pelikula, mas priority nito ang pagiging public servant . Okey na nga raw kay Coun. Alfred ang makagawa ng isang teleserye at isang pelikula kada taon.

Kung saan ang kanyang latest movie ay ang Supremo na tungkol sa buhay ni Andres Bonifacio na magkakaroon mismo ng premiere night sa Nov. 30, Bonifacio Day, at ipalalabas sa Dec. 5 sa lahat ng SM Cinemas.
Tsika nga nito, “I think worth it naman. Fulfilled ako sa ginagawa ko. Ako para lang mapawi ang uhaw ko sa akting, okey na ako one telenovela a year. Tapos, one movie a year, okey na ako.”

Mas priority nga raw ni Coun. Alfred ang pagbibigay-serbisyo sa mga taong nangangailangan ng tulong mula sa kanyang distrito sa Kyusi at maging sa ibang distrito sa abot ng kanyang makakaya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING