KC Concepcion, bumuwelta sa basher na nagsabing anak daw niya ang kapatid na si Miguel

ADVERTISING
KC Concepcion, bumuwelta sa basher na nagsabing anak daw niya ang kapatid na si Miguel
KC Concepcion’s Instagram Post

“Wow lang teh. Wow lang talaga.”

Ito ang sagot ni KC Concepcion sa isang basher sa social media nang magkomento ang huli na anak daw ng aktres ang kanyang 6-year old brother na si Miguel.

Noong Huwebes ng gabi, February 25, nag-post sa kanyang Instagram account si KC ng litrato nila ni Miguel sa tinawag niyang “brekky date” nila ng kapatid. Aniya sa post: “Brekky date with my baby bruh, Miguel.”

Komento naman ng isang @akiomateo, “Anak dw ni KC yan.”

Buwelta naman ni KC Concepcion sa naturang netizen sa umano’y pagkakalat ng malisyosong tsismis, “Be careful what rumors you spread, it might happen to you… You’re not spared. @akiomateo.”

ADVERTISING

Matagal nang natsitsismis si KC na nabuntis kaya umaalis ng bansa. Sabi pa sa mga mga malilisyosong tsismis, kundi man nagpa-abort, nanganak naman at anak umano niya ang mga kapatid na sina Miel at Miguel.

By Parazzi Boy

ADVERTISING