KC Concepcion, bonggang raffle prizes ang ipinamudmod sa press

KC Concepcion, bonggang raffle prizes ang ipinamudmod sa press

KC-Concepcion EASILY, SI KC Concepcion ang pinaka-generous among today’s celebrities.
Walang binatbat sa kanya ang Vilma Santos, ang Sarah Geronimo, ang Toni Gonzaga, ang Kim Chiu, ang Marian Rivera.
All out si KC sa kanyang generosity when she mounted her first pa-Christmas party for the movie press. Talagang lahat napanganga sa laki ng ipina-raffle niya.
Imagine, nagpa-raffle siya ng P5,000 and P10,000 worth of gift certiticates nang ilang ulit. Sa tantiya naming ay more than P200,000 ang ipina-raffle niya.
And that’s not all, ha?! All the press which numbered to nearly a hundred were given tokens worth P2,000 cash and P3,000 gift certificate. Summing it all up, gumastos si KC ng around P700,000 sa Christmas party niyang iyon for the press. She credits her Mamita Elaine Cuneta dahil sa lola pala niya natutunan ang value na pagsi-share ng blessings. Mommy Elaine must have been very proud of her wherever she is right now, maganda ang pagpapalaki niya sa kanyang apo kay Sharon Cuneta.
Before the Christmas party ay ang presscon for Exchange Gift episode ng Give Love on Christmas ng Dos na magsisimula sa January 5.
Sa presscon, sinabi ni KC na wala pang plano for Christmas ang pamilya niya.
“Si Mama po kasi noong beginning ay iniisip niyang mag-abroad because it was our first Christmas without Mita. Pero we decided na mag-stay para at least marami kami, kung gusto ba naming kina Mita Helen, sa White Plains or sa mga Pangilinan. At least nandito lang kami, marami kaming kasama, so hindi masyadong malungkot kung sakaling maisip namin ang lola ko. We’ll just be here for Christmas. Baka tulungan ko na lang si Mama na maghanda kasi wala pa naman siyang pina-plan pa rin hangang ngayon. Isa ‘yon sa mga iniisip ko na gawin. Gusto ko na lang mag-asikaso ng Noche Buena.”
On Christmas plans with Paulo Avelino, “Hinihintay ko lang ang invite ni Pau,” ang sagot ni KC.
“Hindi, ano kasi Christmas season is always about family and being with family so mahirap naman na imbitahan si KC for Christmas. Gusto ko makasama niya rin ang pamilya niya,” Paulo said.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas