KC Concepcion, bitter pa rin sa break-up nila ni Piolo Pascual?!

ADVERTISING

KC Concepcion, bitter pa rin sa break-up nila ni Piolo Pascual?!

 KC Concepcion, bitter pa rin sa break-up nila ni Piolo Pascual?! NAKAKABILIB SI Melissa Ricks, dahil kahit ipinararamdam niyang hindi pa talaga sila okey ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Cuenca pagkatapos ng kanilang hiwalayan, nakukuha pa rin niyang magtimpi at huwag ipagkalat sa mga kaibigang press ang tungkol sa mga hindi na dapat pang mabulgar tungkol sa mga tunay na dahilan kaya nagtapos ang kanilang relasyon. Aware din naman kasi siya na baka kung ilalaglag niya nang todo si Jake, maraming kaibigan ang actor sa showbiz na masasaktan din.

ADVERTISING

Hindi naman nakapagtataka sa attitude ni Melissa ang pagiging mapagtimpi. Kahit hindi tayo ganu’n ka-close kay Melissa, lagi ko siyang nalalapitan para ma-ambush interview, dahil na rin sa friend nating si Rommel Placente.  Magmula nu’ng baguhan pa lang siya, hanggang ngayon ay consistent si Melissa sa kanyang ugali ng pagiging mabait, kaya maipagmamalaki talaga siya ng Star Magic dahil sa kapuri-puri niyang ugali.

Nakatatakot ang pagiging honest ni Melissa. Baka kapag duma-ting ‘yung pagkakataon na na-provoke siya nang dahil sa pagkainis niya kay Jake, may masabi siyang kasiraan ni Jake na ikawindang ng aktor. Para kasing maraming laman si Melissa na pupuwede niyang ilabas. Kung ano man ‘yon ay makakaapekto siyempre kay Jake, dahil in fairness sa binata, mapakisama siya sa mga taga-showbiz, lalo na sa press.

 

ADVERTISING

PAREHONG NASESENTROHAN ngayon ng mga intriga ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Dahil matagal na sa showbiz ang Megastar, kaya naman kayang-kaya niyang harapin ang mga intrigang ibinabato sa kanya. Nairita lang si Shawie, dahil mayroon palang mga nag-iisip na diumano’y ang kanyang adopted son na si Miguel ay baka raw anak sa ibang babae ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan, at para mapagtakpan ang umano’y pambababae ni Pangilinan, nilunok ng mommy ni KC ang kanyang pride at inako na lang ang bata!

Kailangan lang talagang maglinaw ni Sharon tungkol sa isyu, dahil para sa kanya ay tuldok lang naman ang kailangan ng intrigang ‘yan. Hindi rin naman ipinagtataka ni Shawie na mayroong ganyang tsismis, dahil kabuntot lang naman ‘yan ng paulit-ulit na tsismis, na diumano’y mayroong ibang pamilya si Senator Kiko, na hanggang ngayon naman ay walang makapaglabas ng pruweba. Ipinagmamalaki niya si Miguel, na napa-kaguwapo raw na bata.

May bagong programa si KC na iho-host sa ABS-CBN, kaya roon muna siya nakatutok, kaya medyo nakakaiwas na siya sa pag-iisip tungkol sa hiwalayan nila ni Piolo. Pero sa kanilang dalawa, si KC ‘yung mayroon pa ring pahapyaw na mga sinasabi tungkol sa sakit ng kalooban na naramdaman niya. Habang para kay Piolo, para lang bagyo ang dumaan at ngayon ay wala na lang talaga. Halata pa rin kay KC na siya ‘yung naiwang talunan at patuloy na nasasaktan sa kanilang hiwalayan.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING