KC Concepcion, bitin sa pasabog!

KC Concepcion, bitin sa pasabog!

KC Concepcion, bitin sa pasabog!BRAVO TO KC Concepcion dahil sa tapang niyang humarap on nationwide television at amining hiwalay na nga sila ni Piolo Pascual. Pero bago pa man ito ginawa ni KC, nakausap pa namin siya sa isang event at sinabi nga niya sa aming malalaman din sa takdang panahon kung ano nga ba ang nilalaman ng puso niya sa ngayon.

Marahil, hindi na kayang kimkimin ng megadaughter ang sakit na naramdaman niya kaya isiniwalat na niya lahat kay Kuya Boy Abunda sa The Buzz ang tungkol sa mga pangyayari sa kanilang dalawa ng ex-boyfriend.

Nahiwagaan kami sa sinabi niyang, “Baka hindi ako ang kailangan niya sa buhay niya.” Ano kaya ang ibig sabihin ni KC tungkol dito? Huling tinuran ni KC sa nasabing interview ay ang mga salitang, “Sana makahanap na ako ng true love.”

Mahaba, maraming mga pasabog, pero marami pa rin ang nakulangan sa tell-all interview ni KC. Hindi kasi sinagot dito ang katanungan ng karamihan kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Well, then, wait and see na lang tayo dahil lalabas at lalabas din naman ang katotohanan sa isyung ito.

 

NAKASALUBONG NAMIN SI Daiana Me-nezes sa isang singles party ng magasing Cosmopolitan noong nakaraang linggo sa The Fort. Halatang pumayat nang kaunti si Daiana at lalong nagpaseksi sa kanyang katawan ang suot niyang black top at pants.

Kinausap muna namin siya kung puwede ba namin siyang mahingan ng interview tungkol sa break-up nila ni Direk GB. Pero ayon pa sa kanya, hindi na raw siya magsasalita sa isyung ito.

Siguro, tama lang na manahimik na si Daiana para hindi na lumaki pa ang usapan ng hiwalayan nila ni Direk GB.

KC Concepcion, bitin sa pasabog!

KUMALAT KAMAKAILAN LAMANG ang balitang hiwalay na diumano sina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia. Na-blind item kasi ito sa isang show at pati na rin sa isang on-line entertainment portal ay pinangalanan na ito.

Kaya naman agad naming tinanong ang aming kaibigang si Alwyn tungkol dito. Sagot ni Alwyn, “Wala pong katotohanan ‘yan kuya. Magkasama lang kami kagabi. Sa’n na naman kaya galing yang isyung ‘yan?”

Very much together pa raw silang dalawa kaya wala na raw siyang dapat pang ipaliwanag.

 

BLIND ITEM: NITONG nakaraang awards night lang ng isang samahan ng mga manunulat sa showbiz, tawa kami nang tawa nang makita namin ulit ang isang celebrity na medyo la-ocean deep na rin. Kuntodo porma pa rin ito at parang gustong mang-agaw talaga ng eksena.

Kaya naman kinausap namin ang isang member ng nasabing award-giving body. Ask namin, friend nominated ba si madam, kasi ‘andito siya? Sabi niya, hindi friend, ewan ko nga ba kung bakit nandito siya? Hahaha!

Sabi ko, hindi n’yo ba siya inimbita na maging presentor man lang? Sagot nito, hindi friend, hindi talaga. Hayaan mo na friend hindi naman siya busy eh, naging kaibigan ko rin ‘yan nu’ng kanyang prime, sabay halakhak ng aming mahaderang kaibigan.

Naku madam nakakaloka ka talaga. May asim ka pa ba talaga?
Sure na ‘to
By Arniel Serato