KC Concepcion, below the belt na kung intrigahin

ADVERTISING

KC Concepcion, below the belt na kung intrigahin

KC-ConcepcionHAPPY KAMI sa pagkakapanalo ni KC Concepcion for Best Actress sa Famas para sa kanyang outstanding performance sa pelikulang Boy Golden. Tinanghal ding Best Actor ang ex-governor ng Laguna na si Jeorge Estregan para sa BG. Kahit inuulan ng intriga si KC, may blessing namang dumating sa kanya. Katatapos lang nitong mag-sign ng 2 years contract sa Kapamilya Network.

Kahit supporting role ang ang magiging papel ni KC sa seryeng Ikaw Lamang, nagpapasalamat pa rin ang singer/actress. Pero may tsikang may malaking TV project na inihahanda para sa kanya. As of now, tuluy-tuloy pa rin ang TV show niya sa ABS-CBN.

Three months nawala si KC sa limelight para mag-aral sa ibang bansa. Nang dumating siya sa bansa, puro negative issue ang sumalubong sa kanya. Buong tapang na sinagot ni KC ang mga intrigang ibinabato sa dalaga. Maging ‘yung eksena nila ni Paulo Avelino sa Session Road, Baguio City, binibigyan ng masamang kahulugan. Their the best of friends, wala pang romantic affair na namamagitan sa kanilang dalawa, ayon kay KC.

As of now, hindi pa ready ang dalagang anak ni Sharon Cuneta for another serious relationship. Kung totoo ngang may something kina KC at Paulo, bigyan naman natin sila ng pagkakataong maging private kung anumang relationship mayroon sila sa ngayon. Gusto muna nilang makilala ang isa’t isa bago nila amining sila na nga.

ADVERTISING

If ever, handa na si KC for another relationship, aaminin naman daw niya kung sino man ang mapalad na lalaki. Hindi lang naman si Paulo ang manliligaw ng dalaga, may mga non-showbiz guys na seryosong mapasagot si KC. As of now, sobrang focus muna sa trabaho ang actress. Gusto niyang mag-concentrate sa bawat project na ibinibigay sa kanya ng Dos.

Hanggang ngayon wala pa ring linaw kung totoong magdyowa na nga sila ni Paulo na nabalita magkasama silang dalawa sa Baguio City na naglalakad sa Session Road. Paliwanag ni KC, “May time namang gusto kong maglakad-lakad. Maramdaman kong normal ako. ‘Yung bang hindi ka natatakot maglakad mag-isa. Napag-usapan lang namin one time so, nagplano siyang parampahin ako sa Session Road.”

Hanggang ngayon hindi pa rin mamatay-matay ang issue ng pagbubuntis at pagpapa-abort ni KC. Nabalita ang ganitong intriga dahil biglang lumipad ito sa ibang bansa para magpa-abort. Say niya, “Umiikot ‘yang pregnancy rumors na ‘yun. Parang dumating ako sa point na eighteen years old pa lang ako noon, nandu’n na ‘yung issue ng pagbubuntis.”

Pinagdiriinan ni KC, wala talagang katotohanan ang buntis at abortion issue. Never ever sa buong buhay niya na nag- buntis or nagpa-abort siya. Nasasaktan ang dalaga, lalo na kung ang Mommy Sharon or mga kapatid niya ang nagtatanong.

“Parang du’n ako mas nahihirapan. Parang pauulit -ulit na lang ang itinatanong sa akin. Paulit-ulit din akong nagde-deny kasi wala naman talagang katotohanan. Masakit din ‘yun for my sisters para maisip nilang ganu’n… Huwag naman, kapag pamilya ko na ang nagtatanong… it hurts,” pahayag ng actress/singer.

May nagsasabi pa nga diumano anak daw ni KC ang adopted son nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan si Miguel. Sobrang below the belt na nga raw ang paninira sa kanya na alam naman nating walang katotohanan. Naloloka nga si KC sa mga negative issue na ibinabato sa kanya. Kung hindi raw siya nagbuntis at nagpa-abort, nanganak naman daw siya. Ang naging anak niya ay ‘yung younger brother niyang si Miguel.

Inamin ni KC nu’ng bago lumabas ang mga negative issue laban sa kanya, apektado siya pati buong pamilya, lalong-lalo na ang Megastar. Kapag napag-uusapan nga ang ganitong issue about KC, matunog na halakhak lang ang magiging kasagutan ni Sharon. Deadma na lang ito sa issue na wala namang katotohanan. Hindi naman kasi sana’y pa si KC noon sa intriga. Pero ngayon, matapang na ang dalaga na harapin ang bawat hamong darating sa kanya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING