KC Concepcion, ayaw tigilan ng buntis issue

ADVERTISING

KC Concepcion, ayaw tigilan ng buntis issue

KC-ConcepcionNAKAKAAWA NA ‘tong si KC Concepcion. Kahit sinagot na niya ang isyu at nilinaw niyang never siyang nabuntis ay ‘yun pa rin ang itinatanong sa kanya ng ibang “makukulit” na press.
Sinabi na ngang hindi totoo, ayaw pa ring pumayag ng iba. Aba eh, ano bang gusto ng mga ito? Suntukan na lang?
No, hindi naman ako bayolenteng tao, naaawa lang ako kay KC. Kasi ba naman, ‘yung tao, pinaghandaan ang pagpunta sa presscon ng Book 2 ng Ikaw Lamang bilang si Natalia na anak ni Kim Chiu kay Jake Cuenca.
Nagbihis naman ‘yung tao at magiliw namang humarap sa press, tapos, after the question-and-answer portion with the new cast led by Coco Martin, Christopher de Leon, Joel Torre, Mylene Dizon, Jojit Lorenzo, Arlene Muhlach and Smokey Manaloto, aba, kokornerin si KC ng ibang colleague to ask again the never-ending question: “Nabuntis ka nga ba talaga, KC?”
Ano ba ‘yan? Hindi pa ba sapat ‘yung sinagot na niya ito noon pa, tapos, up to now, ‘yun pa rin ang tanong?
Kelan makapagmu-move on ang mga kasama nating ito? Kung feeling nila eh, nagsisinungaling si KC eh, ‘di maglabas sila ng ebidensya, tutal, mas alam nilang nagbuntis ang anak ni Sharon kesa sa mismong may-ari ng katawan.
Kundi pa sila makuntento talaga eh, ‘di idemanda nila si KC ng perjury para malubos-lubos ang kaligayahan nila.
Saka kung ano ang sinabi ng artista, ‘yun ang isulat for as long as she won’t be misquoted.
Baka sa susunod na presscon na aatenan ni KC, ‘yun pa rin ang tanong. Eh, ilang taon na kaya by then si Miel, ‘yung kapatid niya sa ina na ibinibintang na anak daw niya?
Me salitang “moving on”. Ayaw lang namnamin ng iba ang meaning.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING