KC Concepcion, ayaw tantanan ni Piolo Pascual?

ADVERTISING

KC Concepcion, ayaw tantanan ni Piolo Pascual?

KC-Concepcion-Piolo-PascualTUNGKOL NA sa panliligaw ni Paulo Avelino ang ang inaabangan sa lovelife ni KC Concepcion, dahil iyon na ang ikinukulit sa anak ni Sharon Cuneta kung kailan sila aamin kung magkarelasyon na ba talaga sila? Kaya parang nag-iimbita si Piolo Pascual ng panibagong isyu na aabangan, pagpipiyestahan at baka maging maintriga dahil sa sinabi niya sa isang interbyu sa kanya, na mahal pa rin daw niya si KC. Pero sana lang daw, hindi ginawa ng aktres ang isang ginawa nito ‘tulad ng pagpapainterbyu noon tungkol sa kanilang hiwalayan.

Inaabangan ang magiging reaksiyon ni KC tungkol sa naging pahayag ni Piolo. Kasi nga, nagmana rin ang magandang aktres sa kanyang Mommy Shawie ng pagiging napakadiretso kapag mayroon siyang gustong sabihin. Sobrang minahal ni KC si Piolo, at bago nanligaw sa kanya si Paulo, ang huli niyang paulit-ulit na binitiwang salita, sa susunod na magpaligaw siya ay mag-iingat na talaga siya bago muling pumasok sa bagong pakikipagrelasyon.

Kahit nagmukhang kontrabida si KC nang magsalita siya sa The Buzz noon tungkol sa hiwalayan nila ni Piolo, pinanindigan niya iyon kahit maraming nainis, dahil para raw nadurog si Piolo sa kanyang mga sinabi. Matagal na ring nananahimik si KC at ayaw na niyang pag-usapan pa ang bidang actor sa teleseryeng Hawak-Kamay ng ABS-CBN, kaya umiiwas pa rin ngayon ang anak ng Megastar na sagutin ang bagong isyu na mahal pa rin siya ni Papa P.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING