KC Concepcion, ata nang magka-boyfriend? – Eddie Littlefield

ADVERTISING

KC Concepcion, ata nang magka-boyfriend? - Eddie Littlefield

IDOL PALA NI KC Concepcion sina Angelina Jolie at Drew Barrymore dahil sa advocacy nilang to fight child hunger. Ito ngayon ang pinagkakaabalan ng dalaga, extra thankful siya kay Tita Vergie Ramos, the lady behind the uber desirable Swatch. They gave birth to the project “KC Cares, Swatch Shares” to celebrate the 20th year of Swatch in the Philippines.

ADVERTISING

“Nang mag- showbiz ako, marami akong na-discover sa aking sarili, nakita ko ang totoong buhay sa labas. Gusto kong makatulong, i-share ‘yung blessings lalo na sa mga batang nagugutom na walang makain. Iba ang feeling kapag nakatutulong ka sa kapwa mo, hindi ka nakararamdam ng pagod dahil masaya ka sa ginagawa mo,” say ni KC.

Aside sa humanitarian work ni KC, kailangan din niyang may lalaking tunay na magmamahal sa kanya at mahal niya. Diretsong inamin ng singer/actress na gusto niyang magka-boyfriend kaya lang hindi pa dumarating si Mr. Right.

“I really don’t know when although I would like to be in a relationship right now. I’d like to take care of someone right now but I have none,” aniya

ADVERTISING

Teka, sa tinuran ni KC, hindi si Piolo Pascual ang Mr. Right para sa kanya, kahit alam nating seryoso ang panliligaw nito  sa dalagang anak ni Sharon Cuneta. Malabo na yatang magkatuluyan ang dalawa. Hanggang teleserye na lang kaya ang romansang KC at Papa P? Pangit naman, abot-kamay lang niya si Piolo pero mailap ang puso niya sa binatang nagmamahal nang tunay.

Obserbasyon ng nakararami, nawala na ‘yung kilig factor kay KC tuwing naba-banggit ang pangalan ni Piolo, parang wala lang. Ibig kayang sabihin, parang teleserye sa TV ang naging drama ng dalawa tulad ng pagtatapos ng Lovers in Paris?

IN THE RECENT fashion show held in ABS-CBN, Phoemela Barranda was offcially launched as the face of “Get Laud,” walking the runway with the store’s newest collection. “Very unique designs and wide variety of style you can choose from. You can go for casual chic to elegantly stylish. From vibrant colors and prints to tone down earth colors and it comes on plus size,” said Phoem.

Phoemela has been a fashion icon for more than a decade. She shares four dressing-up advices to become an everyday fashionista. “Mix and match, stretch your budget, dress appropriately, and keep it clean and make sure everything is in place.”

Phoem started her career as an image model and since then become an in-demand ramp, commercial, print model and TV host/actress. Lumabas na rin siya sa Pangako Sa ‘Yo, Cool Dudes at Narito Ang Puso Ko. Everyday, mapapanood ninyo siya sa TV Patrol at sa The Buzz every Sunday with Boy Abunda, Ruffa Gutierrez and Kris Aquino. Bukod dito, Public Relations Officer din ng Professional Models Association ang dalaga.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING