KC Concepcion at Piolo Pascual, nagkaayos na

ADVERTISING

KC Concepcion at Piolo Pascual, nagkaayos na

Piolo-Pascual-KC-ConcepcionHAPPY TO see ang isang photo posting na tila ayos na sina KC Concepcion at Piolo Pascual nang magkasama ang dalawa sa ASAP in London last weekend.

ADVERTISING

Sa picture, magkasama ang dalawa na basa mo sa mga itsura nila na ang lahat ng pain na naranasan ni KC sa former boyfriend ay wala na. Nakangiti na kasi siya na tila sabi ng mga mata niya, naka-move on na siya. Yes, hindi kasi naging maganda ang hiwalayan ng dalawa for reasons na hindi rin naman nila ibinunyag sa ibang tao lalo na sa media.

Sa ngayon, KC is happily and romantically involved sa isang foreigner (na bagay sa kanya) lalo pa’t ang dalaga ay pang-foreigner ang market ng kanyang buhay pag-ibig. Long distance relationship ang namamagitan between KC at sa misteryosong boyfriend niya na magmi-meet-up sila kapag napapadpad sa Asya ang binata na kung tama ang hinala namin ay isang European.

Sa tipo kasi ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na sa ibang bansa lumaki at nag-aral sa Paris (France), iba na ang basehan ng dalaga na kadalasan ang mga nagiging karelasyon niyang mga Pinoy ay nauuwi lang sa wala after all her effort at pagmamahal. Kaya nga ‘yong sa kanila ni Papa P, hindi malinaw ang dahilan ng split-up. Kung meron man, malisyoso ang sinasabing dahilan.

ADVERTISING

Ang sa kanila naman ni Paulo Avelino, ewan kung ano ang matatawag mo sa ganu’n, gayong dumayo pa si Paulo sa New York para makasama ang dalaga with matching IG posting pa sila na masayang magkasama. Hindi nga malinaw kung talaga bang naging GF ni Paulo ang dalaga. Wala kasing kumpirmasyon mula sa aktor. Na hayun, ang akala mo na okey na dahan-dahan nilang binubuo ang pagmamahalan sa nasimulang relasyon, mauuwi lang pala sa wala.

Sa London, marami ang nakapansin na tila muling okey na ang samahan ng mag-ex na kung dati’y may konting ilangan lalo pa’t hindi naging maganda ang hiwalayan nila.

Si Piolo after KC, zero ang lovelife (kung meron man). Sa tingin ko nga, si Papa P will remain single for life at baka maunahan pa ng anak niya na na si Iñigo. Hindi kaya?

I just don’t know kung matapos ang kaganapan sa London ay muling magkakaroon ng pagkakataon na magtambal sa isang project ang dating magkarelasyon.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING