Kaysa masaktan pa ulit ni Chin Chin Gutierrez: Lorna Tolentino, mas mabuti pang ‘patayin’ na lang! – Lolit Solis

ADVERTISING

Kaysa masaktan pa ulit ni Chin Chin Gutierrez: Lorna Tolentino, mas mabuti pang ‘patayin’ na lang! - Lolit Solis

Kaysa masaktan pa ulit ni Chin Chin Gutierrez: Lorna Tolentino, mas mabuti pang ‘patayin’ na lang! - Lolit SolisHINDI KO PUWEDENG palagpasin ang nangyari sa alaga kong si Lorna Tolentino pagkatapos siyang saktan nang husto ni Chin Chin Gutierrez sa isang eksenang ginawa nila sa Dahil May Isang Ikaw. Pagkatapos magsumbong sa akin ni LT, nagngitngit ako sa galit dahil marami na siyang nagawang eksena na may away, sampalan o sabunutan at alam ng lahat na pinag-uusapan iyan nang mabuti at sinusunod kung ano ang utos ng direktor.

ADVERTISING

Pero ang magsuot ng malaking singsing at palad ang gamitin sa pagsampal sa isang eksena, hindi naman yata tama ‘yun.

Mabuti sana kung 10K na diamond ring ‘yon, e, costumed jewelry lang naman ‘yung kanyang suot. Kung sakaling nasugatan nang husto si LT at kung natetano pa sa singsing na ‘yun, masasagot ba iyan ni Chin Chin?

Naawa ako sa alaga ko nang nalaman kong hindi sinunod ni Chin Chin ang utos ng direktor sa confrontation at sampalan scene nila.

ADVERTISING

Matindi ang pagkakasampal, with matching malaking singsing, ang tumama sa mukha ni LT, tama ba iyun?

Kinalmot pa niya ang mukha ni LT kaya nang napanood ko ang eksenang iyon nu’ng isang araw, nairita talaga ako dahil sinadya niya talagang saktan nang husto ang alaga ko.

Kahit na-edit nga ang eksenang ‘yun, kitang-kita talagang nasaktan si LT at nakita kong may galos ito sa ilalim ng mata niya.

Eh, kung tumama ang singsing niya sa mata ni LT at kung mabulag pa ito, magsu-sorry na lang siya dahil sobrang na-carried away raw siya sa eksena?

Hindi nga ito makalapit agad kay LT dahil na-guilty siya sa ginawa niya. Pagkatapos, nag-pray over pa siya kay LT at kung anu-ano pa ang sinasabi. Kaya tigilan ako ng Chin Chin na iyan at siguro mas mabuting ipag-pray over na lang  niya ang mga puno at mga insekto na madalas naman niyang kinakausap.

Naloka nga ang manager niya nang tinawagan ko dahil galit talaga ako at hindi niya puwedeng ganu’n-ganu’nin na lang si LT.

Ang sama nga ng pakiramdam nito dahil parang naawa na naman siya sa sarili niya na porke’t wala na siyang asawang magtatanggol sa kanya, eh, gina-ganu’n-ganu’n na lang siya.

Ang punto rito ni Lorna, sana magpaka-professional na lang sa mga eksenang ginagawa.

Sa mga ganu’ng eksena, dapat maging maingat na walang mapuruhan o masaktan nang husto. Pero ang talagang tinira niya nang husto ay ang mukha ni LT na alam naman niyang para sa mga artista, ang mukha ang talagang priority.

Kaya hindi ko talaga titigilan ang Chin Chin na iyan. Baka hindi ako makapagpigil matalakan ko pa ‘yan pagdating sa Startalk.

Ang alam ko naman, ginagawan ngayon ng paraan ng ABS-CBN 2 na maayos ito dahil sa ngayon, ayaw na talaga ni LT na makaeksena siya. Hindi na siya kumportable na makasama ito sa taping dahil masama talaga ang loob niya.

Okay na nga lang kay LT na patayin na lang siya sa teleseryeng iyan at ibigay na lang ang lahat ng moment kay Chin Chin dahil ‘yun naman yata ang gusto niya.

Alam ko, marami ang magre-react sa mga sinabi ko, pero ginagawa ko lang ang tamang pagtatanggol sa mga alaga ko na hindi naman deserving na ganu’nin ng isang aktres-aktresan na iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING