Kaysa magsinungaling
Gerald Anderson, mas piniling takbuhan ang mga reporter!

ADVERTISING

<b>Kaysa magsinungaling</b><br> Gerald Anderson, mas piniling takbuhan ang mga reporter!

<b>Kaysa magsinungaling</b><br> Gerald Anderson, mas piniling takbuhan ang mga reporter!HINDI NAMAN masamang tao, pero hinahanting ng mga reporter ngayon si Gerald Anderson. Kaso, mailap ang lolo n’yo. Super iwas at ‘pag me nakikita raw na mga reporter, tumatakbo at nagdadahilan na meron pa raw siyang hinahabol na commitment.

ADVERTISING

‘Yung iba, hindi siya maintindihan. Pero kami, intinding-intindi namin ‘yon. Okay na ‘yong umiwas, kesa naman magpapainterbyu tapos magsisinungaling lang, hindi ba?

Saka halata namang kahit hindi na niya itinuloy pa ang panliligaw kay Sarah Geronimo ay pinoprotektahan pa rin niya ang dalagang overprotected naman ng magulang, lalo na ni Mommy Divine.

 

ADVERTISING

NU’NG ARAW, ‘pag tinitira kami ng mga fans ng isang international star, sobrang naaapektuhan kami, kaya for a while, hindi kami nagtu-tweet. Hanggang sa me magpa-realize sa amin na, “Hindi ka nag-twitter para i-please ang mga tao.

“Dahil in the first place, you cannot please everybody. Kung lahat na lang ng mga followers mo, ipi-please mo, mapaplastikan naman sa ‘yo ang iba, baka ikaw mismo, i-unfollow nila.

“Basta think before you tweet. Kung me nasabi ka at buo sa puso mo, panindigan mo para mas hangaan ka ng mga tao.

“’Pag me umookray sa ‘yo, kaya nga me block button, ‘di ba? I-block mo para gawa sila uli ng account, hahahaha!”

So, sa totoo lang, sa ngayon, ine-enjoy na namin ang pamba-block sa mga “misguided elements” na hindi nakakaintindi at makikitid ang utak.

As long as we don’t go overboard, magtu-tweet kami ng aming opinyon.

After all, ba’t ba sila nagagalit sa akin? Dahil ba nagsasabi kami nang totoo?

And truth really hurts?

 

MARAMING NAO-OA-YAN sa look ni Charice Pempengco sa X Factor. Meron pa ngang nagtu-tweet sa amin kung si Charice daw ba’y humihingi ng second or third opinion sa mga nakaaalam ng totoong meaning ng uso.

Ang sa amin naman, eh, wala na kayong magagawa, dahil diyan siya masaya, eh. Hindi naman natin maibibigay ang ikaliligaya ni Charice. Although ang naibibigay sa ibang tao ng looks ngayon ng dalaga (dalaga daw, o!) ay ang iritasyon, kasi nga, naiirita ‘yung iba sa ayos niya.

Me nagbiro pa nga kung alam daw ba ni Maverick na meron itong nawawalang anak? Obviously, referring to Charice’s hair na blonde din tulad ng ke Maverick.

Eh, hayaan na lang siguro natin si Charice. Mawawala naman ang inis n’yo ‘pag narinig n’yo nang umawit ang dalaga. (Dalaga na naman daw, o!)

‘Yun ang totoong x-factor!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING