Kaye Abad, walang inggit kay Jodi Sta. Maria

ADVERTISING

Kaye Abad, walang inggit kay Jodi Sta. Maria

Kaye-AbadHINDI NAI-INSECURE si Kaye Abad sa dating kasamahan sa TV series na Tabing Ilog na si Jodi Sta. Maria kahit pa una itong nabigyan ng break na magbida sa telebisyon via Be Careful With My Heart na mag-i-end na sa Nov. 30.

ADVERTISING

“Siguro, nahuli lang ako nang konti, pero walang inggit. Masaya ako for her. Deserve niya ‘yon, kasi napaka-hardworking naman ni Jodi,” paliwanag ni Kaye.

Bida si Kaye kasama sina Erich Gonzales at Jason Abalos sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Two Wives. Magsisimula ito ngayong Lunes ng gabi at papalit sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon na natapos nu’ng Biyernes.

May pressure ba na ang series nila ang ipapalit sa pinagbidahan nina Paulo Avelino at Bea Alonzo?

ADVERTISING

“Siyempre may pressure talaga. Kasi ngayon lang ako nagbida. Pero sana madala namin nang maayos ’yung show at subaybayan ng mga tao,” matipid niyang pahayag.

Nai-share din ni Kaye na tulad ng experience ni Jodi, hindi na rin niya ini-expect na bibigyan ng lead role ng ABS-CBN.

“Kuntento na naman ako sa mga role na ibinibigay nila sa akin dati. Hindi naman ako namimili. Okey rin lang na puro kontrabida roles. Kaya nu’ng dumating itong Two Wives, sabi ko, ‘ay puwede pa pala akong magbida…’ Thankful, ako ang gaganap na Yvonne sa Two Wives,” sey pa niya.

Kasama rin sa Two Wives si Patrick Garcia for a very special role. Reunion of sort nina Patrick and Kaye ang teleserye dahil nagkasama rin sila noon sa Tabing Ilog maraming taon na ang nakararaan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING