Kaye Abad, sinorpresa ni Paul Jake Castillo ng marriage proposal sa kanyang birthday celebration

Kaye Abad, sinorpresa ni Paul Jake Castillo ng marriage proposal sa kanyang birthday celebration

Paul Jake Castillo Proposes Marriage To Girlfriend Kaye Abad
Paul Jake Castillo Proposes Marriage To Girlfriend Kaye Abad

Usapang kasalan na rin lang ang pinag-uusapan ngayon sa showbiz, double happiness ang pakiramdam ni Kaye Abad noong kaarawan niya yesterday, Tuesday, May 17 (she turned 34), dahil kasabay ng selebrasyon ng birthday niya ay ang marriage proposal ng boyfriend niya na si Paul Jake Castillo.

Bongga ang sorpresa sa aktres ng boyfriend niya dahil sa rooftop ng isang matayog na isang hotel sa Filinvest sa Alabang isinagawa ni Paul Jake Castilo ang paandar niyang proposal sa GF.

Sa Instagram posting ng komedyanteng si Pooh, mga artistang kasamahan ni Kaye na sina Nikki Valdez at Camille Prats ay makikita ang kasiyahan sa mukha ng aktres nang lumuhod na si Paul Jake sa harapan niya at nag-offer ito ng kasal kay Kaye kasabay ng pag-aalay niya ng engagement ring sa girlfriend.

Habang isinusulat namin ang istoryang ito, wala pang detalye ng kasalang magaganap between Kaye Abad and Paul Jake.

Basta ang gusto ni Kaye sa magaganap nilang kasal ni Paul Jake ay simple lang at intimate.

Happy for Kaye Abad. Yes, si Paul Jake Castillo na talaga ang para sa aktes. Tulad ng pahayag ni Kaye sa isang interview sa kanya noon tungkol sa boyfiend na Cebuano: “Yes, Paul Jake is the ONE.”

Reyted K
By RK VillaCorta