Kaye Abad, ‘di raw sinulot si Paul Jake Castillo

ADVERTISING

Kaye Abad, ‘di raw sinulot si Paul Jake Castillo

Kaye-Abad-Paul-Jake-CastilloKAYA NGA happy kami kay Kaye Abad sa relasyon niya kay Paul Jake Castillo (dating PBB housemate) after niyang makipag-break kay Guji Lorenzana. Yes! Sa kabila ng mga intriga na may sulutan issue sa pagbubuo ng relasyon nila ni Paul Jake, pinasubaliaan ni Kaye ang tsismis.

ADVERTISING

Ang alam ko, matagal nang wala at break na sina Paul Jake at Melissa Ricks. Si Guji naman, naibaon na sa limot ni Kaye. Noong sila pa ni Guji at si Paul Jake naman playing beautiful music with Melissa, magkakilala na ang dalawa sa mga group date nila. Actually, hindi ini-expect ni Kaye na ang barkadahan friendship nila ni Paul Jake ay mauuwi sa isang romantic relationship.

By the way, tila oks sa pamilya ng dalawang partido ang relasyon nina Kaye at Jake dahil nag-meet na rin ang mga parents nina Kaye at Jake, and both families have good words sa dalawa.

 

ADVERTISING

THANKFUL SI Coco Martin sa success ng pelikula nila ni Sarah Geronimo na Maybe This Time. Kaya nga last Saturday evening, nag-blowout treat si Coco sa mga production staff at mga bossings ng Star Cinema sa magandang pakakataon na naibigay sa kanya ng kompanya.

Maging ang Viva Films, pinasalamatan din ng aktor sa pagpayag na makapareha niya ang prime artist nilang si Sarah.

One nice thing about Coco, laking gulat ni Direk Jerry Sineneng nang makatangap siya ng flowers mula sa aktor as a sign of his gratitude sa magandang resulta sa box-office.

Kuwento ng kaibigang Ogie Diaz na haping-happy sa resulta ng pelikula na pinilahan last weekend, si Coco ang gumastos sa “blowout” last Saturday na maging ang mga taong nakatulong sa pelikula ay may token of gratitude mula sa aktor.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING