Kaye Abad, ‘di kasing tapang ng character sa serye

Kaye Abad, ‘di kasing tapang ng character sa serye

Kaye-AbadIN REAL life, hindi raw kasing tapang ng character ni Yvonne sa Two Wives ang pagkatao ni Kaye Abad lalo na pagdating sa relasyon nila ni Paul Jake Castillo.
“Naku, hindi ako ganu’n. Malayung-malayo!” pag-amin agad ni Kaye.
“Ako kasi, sa sarili ko ha, parang hindi ko na ipaglalaban pa ‘yung relasyon namin kung ayaw na niya. Give-up ka na, ayaw na sa ‘yo, eh,” reaksyon pa niya.
Masaya ang aura ni Kaye dahil kaya niyang pagsabayin ngayon ang bonggang lovelife at career.
“‘Yon nga, eh, sabi ko nga, too good to be true, kasi sabi nila, hindi mo makukuha lahat, either okey ang career mo o zero ang lovelife mo… so ganu’n.”
Eight months na ang relasyon nina Kaye at Paul Jake na nagsimula lang sa pagiging tropa.
“Akalain mo, ‘no? Parang kailan lang, tropa-tropa lang tapos ‘eto na… (laughs). Sana palaging okey at tumagal talaga ang relasyon namin,” pag-asam pa niya.
Si Kaye ang bida sa Two Wives at kasama niya sa teleserye ng ABS-CBN sina Erich Gonzales at Jason Abalos.

La Boka
by Leo Bukas