Kaye Abad, Dawit sa Hiwalayang Melai Cantiveros at Jason Francisco

MARAMING ISYU ang ikinabit matapos pumutok ang balitang hiwalay na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. It was alleged that Jason resigned from the gag show Banana Split because of Melai who is also part of the show, that Jason is a womanizer, pati ang pangalan ni Kaye Abad na nakasama ni Jason sa Angelito: Batang Ama ay nadawit din sa kontrobersiya.

Inabangan ng publiko ang mga pahayag ng Melason (the moniker given to the love team of Melai and Jason) tungkol sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. Sabi ko nga noon sa The Buzz, it must be something serious if Jason really quit from Banana Split.

Kamakailan lang ay binasag na ni Melai ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa kanilang break-up ni Jason. Nakorner siya ng The Buzz sa isang event at dito ay inilahad niya ang kanyang saloobin tungkol sa bagong yugto ng kanyang buhay.

“I am very happy. Siyempre mas mahal ko na [ang] sarili ko ngayon. Dati, nahahati [ang] oras ko sa iba. Dahil sa past kaya tayo naging ma-buting tao sa future,” makahulugan niyang pahayag.

Ibinahagi rin niya ang kanyang natutunan mula sa pinagdaanang pagsubok sa buhay pag-ibig. “Kung meron silang pinagdadaanan, dumaan sila sa maayos na daanan. Huwag silang pai-stress. I-enjoy ninyo iyong dinadaanan ninyo at mag-mature kayo.”

She also clarified that she has no ill feelings towards Paul Jake Castillo na naging co-housemate nila sa Pinoy Big Brother: Double Up. May mga naglabasan kasing balita noon na diumano’y si Paul Jake ang itinuturong nag-impluwensiya kay Jason sa pambababae nito.

“Matanda na naman si Jason para magpaudyok siya. Wala kaming problema ni Paul Jake.”

Pero nang tanungin ng The Buzz si Melai kung magkaibigan pa rin ba silang dalawa ni Jason sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay mas pinili nitong umiwas sa pagsagot.

Sabi nga, it is never easy to say goodbye to a loved one. Pero naniniwala ako na darating ang takdang panahon na maghihilom din ang sugat sa mga puso nina Melai at Jason. If they cannot save the relationship, at least they should save the friendship.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleWonder Gays, ‘di nagpapaapekto sa isyung ‘di sila type ni Vice Ganda
Next articleKahawig ni Aiza Seguerra ang bagong dyowa ng kanyang ex-GF!

No posts to display