Kaya wala pang bagong teleserye
Bea Alonzo, ipapares sa mag-oober da bakod na aktor?!

ADVERTISING

<i>Kaya wala pang bagong teleserye</i><br>Bea Alonzo, ipapares sa mag-oober da bakod na aktor?!

<i>Kaya wala pang bagong teleserye</i><br>Bea Alonzo, ipapares sa mag-oober da bakod na aktor?!BLIND ITEM: One time, nagtalo ang mag-inang hindi showbiz, pero ang anak na pulitiko ay nali-link sa mga artista. Tumalak ang madir at diumano’y sinampal ang anak. “You’re so stupid! Pinatul-patulan mo ‘yang babaeng ‘yan. Tingnan mo ngayon, inuubos ka! Hinuhuthutan ka na unti-unti!”

Ang tinutukoy na babae ay siyempre, aktres. At feeling ni madir, ang laki na ng nagagastos ng anak nito sa babaeng ito na kung kani-kanino na rin na-link.

Noon pa raw ay may idea na ang madir na isang “huthutera” ang girl na ito, pero ang sabi naman namin sa aming source, “Siyempre, kung ayaw naman talaga ng madir sa kahit na sinong babaeng mai-involve sa anak nila, gagawa at gagawa sila ng paraan para mag-split ang dalawa!”

Naaawa nga kami du’n sa girl. Kasi, kung nagmamahalan naman talaga si aktres at si pulitiko eh, baka naman wagas ang kanilang pagmamahalan. At baka naman mali rin ang akusasyon ng panghuhuthot.

ADVERTISING

Well, wala na kaming masasabi diyan, kung ‘di sana, matanggap na ng madir ang karelasyon ng anak. Saka if I were the aktres, patunayan ko sa kanila na mali ang ibinibintang nila.

<i>Kaya wala pang bagong teleserye</i><br>Bea Alonzo, ipapares sa mag-oober da bakod na aktor?!No more clues. Basta kung sino ‘yung aktres na aamin na hamonado siya pagdating sa akting, eh, baka siya nga ‘yon.

 

ME NAPAGTANUNGAN kami kumba’t si Bea Alonzo, hanggang ngayon, wala pa kaming nababalitaang teleserye na ginagawa o gagawin?

True ba na siya’y lilipat na ng ibang istasyon?

Ang sabi ng aming kausap, hindi totoo ‘yon. “Ang alam ko, sa last quarter ng taong ito uumpisahan ang serye niya. Ewan ko ba. Me hinihintay sila, eh!”

Hmph! Sino kaya ang “hinihintay” na ito na siyang magiging loveteam ni Bea? Si John Lloyd ba? Hindi.  Eh, si Zanjoe Marudo ba?  Hindi rin daw.

So, sino?

Ang balita namin at ewan kung ito’y totoo. Na ang lalaking hinihintay mula sa ibang bakod para tumalon sa ABS-CBN ay si…

Sige, iba-blind item na lang namin, pero not yet confirmed.

‘Wag na kayong kumatok sa pinto. Sosyal na ngayon.

Alam na.

 

MUKHANG PROMISING ang ipapalit na teleserye sa matatapos nang Ina, Kapatid, Anak. Trailer pa lang ng Huwag Ka Lang Mawawala, parang intinding-intindi na namin ang kuwento ni Judy Ann Santos na sunud-sunod ang kamalasang nangyari sa buhay.

At dahil may ambisyong makaahon sa hirap, nakilala si Sam Milby na may mga aristokratong parents na sina Tirso Cruz III at Coney Reyes, naging sila ni Sam, pero nandiyan si KC Concepcion na handang agawin si Sam kay Juday.

Aapihin si Juday, magiging battered wife kay Sam at ang ending, lalaban at babangon si Juday.

Interesting, ‘di ba?

Baka naman wala pang sidekick si Judy Ann o si KC o si Coney Reyes, eh, ehem-ehem… ‘andito naman ako. Hahahaha! Charot!

Lumapit kaya kami kay Vicky Morales, baka sakaling matupad ang “wish ko”?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING