• Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Sign in
Welcome!Log into your account
Forgot your password?
Password recovery
Recover your password
Search
  • About
  • Advertise With Us
  • Contact
Sign in
Welcome! Log into your account
Forgot your password? Get help
Password recovery
Recover your password
A password will be e-mailed to you.
Pinoy Parazzi
  • Usapang Paratsi
  • Parazzi Made
  • Parazzi Scandals & Exclusives
  • Opinion
  • Blind Items
  • Parazzi Videos
Home Usapang Paratsi Mga Mata ni Lolita

Kaya tumigil sa showbiz, buntis pala at hindi nag-aaral
Yasmien Kurdi, nanganak na noong Nobyembre pa!

By
Lolit Solis
-
January 4, 2013

<i>Kaya tumigil sa showbiz, buntis pala at hindi nag-aaral</i><br>Yasmien Kurdi, nanganak na noong Nobyembre pa!

<i>Kaya tumigil sa showbiz, buntis pala at hindi nag-aaral</i><br>Yasmien Kurdi, nanganak na noong Nobyembre pa!HETO NA, ‘day, ang unang pasabog ng 2013 na ikinagulat nu’ng nabalitaan ko sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado. Naloka ako nang ikinuwento ng isang taga-Startalk na close kay Yasmien Kurdi na nanganak pala ito nu’ng nakaraang November.

Diyos ko! Ang buong akala ko nag-aaral itong si Yasmien kaya hindi na siya nagpaka-active sa pag-aartista.

Nalaman ko na lang na nagpakasal na pala siya sa non-showbiz boyfriend niya nu’ng January nu’ng nakaraang taon na hindi yata alam ng Mommy niya.

Kaya nagtampo raw itong Mommy at hanggang ngayon yata hindi pa nakikita ang apo niya sa young actress.

Nakausap ko sandali si Yasmien, masayang-masaya ito at excited siya sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Tumigil ito sandali sa pag-aaral pero nangako itong tatapusin pa rin niya. Kailangan lang daw muna niyang mag-focus sa kanyang baby na isang malusog na baby girl na pinangalanan niyang si Ayesha.

Ilang beses daw nakikita ni Yasmien ang mga close friends niya sa Starstruck na sina Mark Herras, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, pero hindi nila alam na buntis ito.

Ang buong akala nila, mataba lang ito. Ang nakahalata raw na buntis siya, si Sheena Halili kaya tinanong niya ito. Hindi naman niya itinanggi, at ngayon lang nga siya aamin sa publiko.

Abangan n’yo na lang ang exclusive interview ng Startalk kay Yasmien. Naku ha! Naharbatan na nga ako ng hikaw para sa anak niya para ma-interview lang namin.

Mas gusto sana kasi ni Yasmien na tahimik na lang at huwag nang pag-usapan pa. Pero mabuti na rin ‘yung sabihin na niya sa publiko para wala nang mga paduda pa.

Pinag-iisipan pa rin naman daw ni Yasmien na bumalik sa pag-aartista pero gusto niyang tapusin talaga ang Nursing niya at siyempre magpapapayat pa siya nang husto.

 

<i>Kaya tumigil sa showbiz, buntis pala at hindi nag-aaral</i><br>Yasmien Kurdi, nanganak na noong Nobyembre pa!ISA PANG ikinagulat ng lahat ay itong si Sarah Lahbati na nagdeklara pala sa kanyang Twitter account na hindi raw muna siya gaanong maging visible sa showbiz dahil babalik daw siya ng Switzerland para mag-aral.

Matindi ang iba pang mga sinabi nito sa Twitter laban sa GMA Artists Center kaya siya nagpa-co-manage kay Annabelle Rama.

May pelikula sila ni Richard Gutierrez na magsi-showing na sa buwang ito, kaya tiyak na ‘yun ang pag-uusapan sa promo ng pelikula nila.

Ang pinagdudahan ngayon ng desisyon ni Sarah na pagbalik ng Switzerland ay buntis daw ito.

Tiniyak naman ni Sarah sa amin na hindi talaga totoo iyan.

Napagkasunduan daw nila ito ng magulang niya dahil mas gusto muna nila ng tahimik na buhay.

Baka nga siguro, kaya mag-Switzerland siya  at mag-aral dahil medyo magulo pa nga ang isyu niya sa GMA Artists Center at kay Annabelle.

Tingnan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Viber
Twitter
Facebook
Pinterest
WhatsApp
ReddIt
Telegram
LINE
    Previous articleMarian Rivera at Bea Alonzo, hindi ipinagdamot ang puwet nina Dingdong Dantes at Zanjoe Marudo!
    Next articleKris Aquino, pinababa ang katayuan sa pagsusuot ng gown na luwa ang dibdib?!
    Lolit Solis

    RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR

    Ai-Ai delas Alas, apektado rin sa pagkamatay ng ama ng panganay na si Sancho Vito

    Megan Young at Tom Rodriguez, ayaw makumpara ang remake nila ng serye sa ibang bersyon

    Mariel Rodriguez, ‘di pa rin mabiyayaan ng anak

    LATEST NEWS

    TV5 to air 4 ABS-CBN primetime programs

    Photostories March 6, 2021

    Veteran actress Gina Pareno Tiktok ang naging panlaban sa pandemya

    Photostories March 6, 2021

    PLEASE PRAY FOR ME! Sharon Cuneta sobrang nalungkot sa pagpanaw ng...

    Photostories March 6, 2021

    THE BIG REVEAL! Gerald Anderson, inamin na ang relasyon nila ni...

    Photostories March 5, 2021

    Things You Didn’t Know About Jackson Wang

    Photostories March 5, 2021

    News about the famous people from the Philippines.

    Pinoy Parazzi Philippines
    Unit 345 – 346, 3/F, Peninsula Centre
    No. 67 Mody Road
    Kowloon, Hong Kong
    Contact us: contact@pinoyparazzi.com

    LATEST NEWS

    Cloe Barreto parang hindi baguhan kung umarte sa ‘Silab’

    Photostories February 27, 2021

    POKWANG NILOKO DAHIL SA PERA: ‘Pinagpaguran ko yan pero sige sa...

    Photostories February 27, 2021

    Kitkat may “pa-last time” na patutsada kay Janno Gibbs

    Photostories February 27, 2021

    DOS EKIS: Rica Peralejo pinagsisisihan ang pagpapaseksi

    Photostories February 26, 2021

    Jane Oineza at Nathalie Hart gaganap na lesbian lovers sa ‘Maalaala...

    Photostories February 26, 2021

    POPULAR CATEGORY

    • Usapang Paratsi4621
    • Photostories2961
    • Reyted K2829
    • Lex Chika1645
    • Blind items1640
    • John's Point1276
    • La Boka1164
    • Past Issues1054
    • Mga Mata ni Lolita923
    • Oh. C’mon!747
    • Ayaw Paawat741
    • Point of Boy731
    • Shooting Range727
    • Pepperoni724
    • Disclaimer
    • Privacy Policy
    • Contact Us
    • About Us
    Copyright © 2021 · Pinoy Parazzi.