Kaya tumakas palabas ng bansa
Sarah Lahbati, buntis?!

ADVERTISING

<i>Kaya tumakas palabas ng bansa</i><br>Sarah Lahbati, buntis?!

<i>Kaya tumakas palabas ng bansa</i><br>Sarah Lahbati, buntis?!TILA TOTOO yata ang tsismis na buntis si Sarah Lahbati.

Nagsimula ang “buntis” issue about Sarah na sa isang eksena niya sa isang GMA teleserye kung saan kailangan siyang lagyan ng harness sa may bandang tiyan niya ay tumanggi ang starlet na ipinagtaka naman ng mga production staff hangga’t sa naglabasan ang mga speculation about her na buntis nga.

Pumutok ang balita about her fiasco with GMA Artist Center’s Arsi Baltazar at GMA Films Annette Gozon-Abrogar na nagsanga-sanga na ang mga balita at kaguluhan.

And as of Sunday, hayun ang balita nga’t andidito lang pala si Sarah at nagtatago. Pero pumutok ang balita na diumano ay tumakas ito ng Pilipinas para iwasan ang mga demanda ng GMA 7 sa kasong breach of contract bago pa lumala ang isyu na namagitan sa kanila ng kanyang “Mother Studio”, naitakas na siya palabas ng bansa ng kanyang “mother-in-law” na si Annabelle Rama.

ADVERTISING

Linggo nang kumalat  sa Twitter na ang half Pinay-Half Swedish na girlfriend ni Richard Gutierrez ay naitakas ni Tita Annabelle na wala man lang nakapansin sa international airport kahit sabihin na natin na madaming NAIA reporters para magbato ng istorya sa entertainment press.

Huli nang makarating sa showbiz ang pagtakas ni Sarah na diumano’y tinulungan ng hilaw niyang mother-in-law.

On the other hand, mukhang magiging maganda ang lahi ng magiging anak ni Sarah at Richard kung saka-sakali.

Maganda si Sarah. Guwaping naman si Richard and for sure, magiging maganda ang timplada ng dalawa.

If ever na totoo ang balitang buntis si Sarah, bale ito na ang pangatlong apo ni Tita Annabelle sa kanyang mga anak na ang mga nauna ay ang dalawang dalaginding ni Ruffa Gutierrez na sina Venice at Lorin.

Sa pagkakataong ito, tila matutupad na rin sa wakas ang matagal nang pangarap ni Richard na magpakasal na rin sa wakas na matagal na niyang inaasam-asam.

 

<i>Kaya tumakas palabas ng bansa</i><br>Sarah Lahbati, buntis?!MAINIT ANG eksenang awayan nina Kim Chiu at Maja Salvador sa teleserye nila sa Kapamilya Network.

Kung hindi mo alam na eksena lang ‘yun, sasabihin mo na ang dalawa ay nagbabangayan dahil lang kay Gerald Anderson.

Ang sweet na imahe ni Kim na prim and proper, biglang naging palaban. Si Maja na sa unang tingin ay malditang pa-sweet, sumabay at nakipagbanggaan.

Pero ang gandang tingnan kahit isang mainit na tagpo lang ‘yong napanood naming trailer.

What if na sa totoong buhay ay love pa rin ni Kim si Gerald at ang imaheng mataray ni Maja ay ilabas din niya at ipakita sa publiko? Ang gandang eksena marahil ‘yun na ang eksenang showbiz ay magiging tunay na totoo at makatotohanan.

 

MAGANDA AT may isang Direk Dante Nico Garcia na naniniwala sa kakayahan ng bawat Pinoy artists sa bansa.

Kaya naman ang ISDA Revolution na sinimulan niya na ipakilala sa mga Pinoy at sa buong mundo ang galing ng Pilipino ay nagsisimula nang sumikad.

Sinimulan niya ang kanyang advocacy to help promote Filipino talent sa pamamagitan ng kanyang pelikulang Ploning (starring Judy Ann Santos) na napansin sa Oscars a few years ago.

Hindi lang ang mga magagandang “indie films” na binubuo ng mga talinong Pinoy kundi ang kabuunan ng galing at pagiging artistic ng Pinoy ang gusto ni Direk Ga na mapansin sa international scene.

At ang Asean International Film Festival and Awards na gagawin sa March 28-30 sa Kuching, State of Sarawak sa Malaysia ay isa sa mga advocacy project ng ISDA Revolution para ipanawagan sa mga indie film director at students na makilahok sa proyektong ito.

Si Direk Ga ang ginawang Filipino Liaison ng naturang international event para mangalap ng entries dito sa Pilipinas.

Sa naturang event, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Pinoy indie filmmaker natin na baka mapansin sa international scene. Para mga estudaynte naman, may premyo sa mga ilalahok nilang mga film project (shorts) kung sakaling mapili at manalo.

Para sa dagdag na detalye please visit AIFFA 2013 website at www.aseanfilmfestival.com

 

TOTOO BA na may mga power tripper sa kampo ng Kapuso Network?

From a very reliable source, banned ang bandang Shamrock na mag-guest sa Party Pilipinas at sa kung ano mang shows ng istasyon because of a certain Tracy Garcia na diumano’y pamangkin ni Atty. Gozon na bossing ng GMA 7?

Sabi ng source namin, very personal ang dahilan involving this Tracy and a member of the band.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING