Kaya tikom ang bibig sa hiwalayan: singer-actor, takot ibunyag ng dating dyowa ang pagtutulak ng ‘S’!

ADVERTISING

MAYROON PALANG HINDI kanais-nais na sikreto ang kontrobersiyal actor-singer, na tiyak na ikasisira ng kanyang career kapag nabulgar. Ang sikreto niyang ito rin pala ang dahilan kung bakit nananatili itong tahimik sa isyung kinasasangkutan niya at ng kanyang ex-partner.

Naging malaking kontrobersiya kasi ang paghihiwalay nila ng kanyang dyowa, kaya’t pinagpiyestahan din ng mga showbiz reporters. Kung ilang ulit nangako ang girl na may malaki itong pasasabugin sa hiwalayan nila, pero lagi itong nauudlot. Hanggang sa nagsalita nga rin ito, pero si actor-singer, nanatiling tikom ang bibig.

ADVERTISING

Side nga lang ni girl ang nalaman ng publiko sa kontrobersiyal nilang hiwalayan. Ni hindi sinusugan o itinanggi ni lalaki ang mga sinabi ni girl. Ang dahilan, alam kasi ni singer-actor na kapag nagsalita pa siya, o itinanggi niya ang mga pinagsasabi ni girl, baka tuluyan ngang mabunyag ang mga ‘kabulastugan’ niya.

Ano ang kabulastugan ni actor-singer na kinatatakutan niyang mabunyag? Ayon sa aming source, source pala ito ng ‘S’ sa sa showbiz. Ganu’n?!

Kung kami naman sa actor-singer, kung ayaw niyang lumabas pa ang ‘sikreto’ niyang ito, itigil na niya ang kanyang hindi magandang gawain. Hay, naku! Dehins na kami magbibigay ng clue, ‘noh! Malaki na siya, baka matalo pa! Hehe!

ADVERTISING

(By Danilo Jaime Flores)

ADVERTISING