Kaya raw magpapahinga sa showbiz at mag-aaral
Kris Aquino, naghahanda na sa pagsabak sa pulitika?!

ADVERTISING

<i>Kaya raw magpapahinga sa showbiz at mag-aaral</i><br>Kris Aquino, naghahanda na sa pagsabak sa pulitika?!

<i>Kaya raw magpapahinga sa showbiz at mag-aaral</i><br>Kris Aquino, naghahanda na sa pagsabak sa pulitika?!NGAYON PA lang ay pinag-uusapan na ang pagpasok daw ni Kris Aquino sa pulitika.

‘Di ba magpapahinga daw muna siya sa showbiz, at mag-aaral daw muna siya?

Kung matutuloy nga ‘yan, may balak na nga at pinaghahandaan na niya ngayon ang 2016 elections.

Ang sabi pa raw baka vice-president daw ang tatakbuhan niya. Noon pa man ay pinag-uusapan na magkakaroon daw ng tandem na Chiz Escudero-Kris Aquino o baka Mar Roxas-Kris Aquino ba?

ADVERTISING

Medyo bumaba kasi ang lakas ngayon ni Chiz dahil sa isyu nito kay Heart Evangelista at sa magulang nito. Kaya baka mabago ang mga plano.

Hindi kaya si Kris na mismo ang tatakbong presidente? Bongga, ‘di ba? Narinig ko kasi noon na nagkomento raw si Kris na gusto raw nilang gumawa ng record sa history na tatlong Aquino ang magiging presidente. Siya kaya ang pangatlong presidenteng Aquino?

Naku, huh! Sa totoo lang, kung itutuloy nga ni Kris ang political plans niya at mahina ang makakalaban niya, puwedeng lumusot si Kris, huh!

Kaya baka nga pinaghahandaan na nila ngayon. Puwede, ‘di ba? Tingnan na lang natin!

 

<i>Kaya raw magpapahinga sa showbiz at mag-aaral</i><br>Kris Aquino, naghahanda na sa pagsabak sa pulitika?!TUMANGGI PA rin si Ara Mina na magpa-interview sa mga reporters tungkol sa pagbabati nila ni Cristine Reyes.

Sabi ng aktres, mas gusto raw muna nila nang tahimik na pag-aayos dahil babawi raw sila sa mahabang panahong nawala sa kanila nu’ng magkaaway pa sila ni Cristine.

Kaya mas mabuting manahimik daw muna sila.

Naramdaman naman daw ni Ara ang sincerity sa paghingi ni Cristine ng tawad kaya tinanggap niya ito.

Nagpapasalamat daw siya sa Diyos na nagkaayos na rin sila, at mabilis ang pagtanggap niya sa kapatid nu’ng sinadya siyang puntahan nu’ng nakaraang Biyernes Santos.

Siyempre Biyernes Santo ‘yun, medyo emote siguro nu’n si Cristine at open na rin siyang magpakumbaba kaya lumapit na ito sa ate niya.

Si Ara naman ay malambot siguro ang puso niya nu’n, kaya nagkaiyakan lang sila nang husto at nagkapatawaran.

Sabi nga ni Ara, bumaha raw ng luha nila nu’ng araw na ‘yun at nagkausap at nagkaayos na.

Siyempre ang pinakamasaya sa nangyari, ang Mommy nila.

Hindi raw niya alam ang nangyari. Nu’ng Linggo lang daw sila pumunta sa Mommy nila na magkasama at doon nila ipinaalam na okay na silang magkapatid. Wala raw nasabi ang Mommy nila kundi umiyak na lang nang umiyak.

Malamang na hindi na rin matuloy ang kasong isinampa ni Ara. Pero hindi pa naman daw nila ito napag-uusapan.

At least ang ending, nagkaayos na rin silang magkapatid, at doon nila napatunayang blood is thicker than water nga.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING