Kaya raw hiniwalayan ng dyowa Heart Evangelista, laging ipinapahiya si Daniel Matsunaga?!

ADVERTISING

Kaya raw hiniwalayan ng dyowa Heart Evangelista, laging ipinapahiya si Daniel Matsunaga?!

Kaya raw hiniwalayan ng dyowa Heart Evangelista, laging ipinapahiya si Daniel Matsunaga?!

ANG PAGIGING nagger daw pala ni Heart Evangelista ang isa sa mga tunay na dahilan nang pakikipaghiwalay rito ng boyfriend na si Daniel Matsunaga. Ayon sa isang very close sa Brazilian ramp model-turned-actor, hindi na raw nakayanan ng binata ang pagiging nagger ng aktres na siyang dahilan kung bakit napuno ito at nagdesisyong makipaghiwalay na sa aktres.

Ayaw idetalye ni Heart ang tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan ni Daniel, pero kung paniniwalaan ang balita ay walang dudang napuno na ang aktor dahil lagi raw itong napapahiya sa tuwing nakakasama ang katipan, dahil feeling nito ay natatapakan ang ego sa tuwing mapapahiya sa mga kaharap ng kaibigan.

“Mabait si Daniel pero napuno na siguro dahil parang hindi pa nga sila ikinakasal ni Heart, pero kayan-kayanan na siya,” sabi ng aming source.

ADVERTISING

Pero sa kabilang banda, may nagbulong sa amin na “gimik”lang ni Heart na hiwalay na sila ni Daniel para pag-usapan ang career nitong tila kangkong na lalanguy-langoy sa patay na ilog. Tsuk!

 

HINDI MAN tuloy ang pelikula ni Derek Ramsay sa Star Cinema with Bea Alonzo kahit sabihin pang mahaba-haba na rin ang tinakbo ng pagsi-shoot ng aktor sa nasabing pelikula, nakatakda namang gumawa ng bonggang movie ang aktor sa Viva Films, kung saan ay makakasama nito sina KC Concepcion at Anne Curtis bukod pa sa movie na gagawin sa Regal Films.

Si Mother Lily Monteverde mismo ang nagsalita na gusto raw niyang bigyan ng solo movie si Derek dahil malaki ang paniniwala nito sa kakayahan ng aktor, kung saan ay posibleng pagsamahin nito sila ni Marian Rivera.
Sa kabilang banda, hindi pa man nagaganap ang taunang Guillermo Mendoza Foundation award, over-excited na si Derek sa pagiging Box-Office King niya na ang naging basehan ay ang lakas ng dalawang movie na Praybeyt Benjamin at No other Woman nila ni Anne Curtis.

“Siyempre overwhelming, kasi first time ko ‘to,” sabi ni Derek nang huli namin siyang makausap mula sa ilang linggong pag-stay sa Boracay para sa dalawang magkaibang produkto na kanyang iniendorso.
Second week of May na sisimulan ang proyekto ni Derek sa TV5, na ayon sa nakarating sa aming balita, bukod sa Pilipinas ay iikutin daw ng programang ito ang buong Asya.

Bongga!


TOTOONG FIVE years ago ay may away raw talaga sina Marian Rivera at Katrina Halili, kung saan ay nagalit pa nga raw si Marian nang makitang kulut-kulot din ang buhok ni Katrina, kaya hindi ito pumayag na makaeksena ang sexy actress habang hindi nag-iiba ng hairdo. At dahil si Marian ang bida kaya nasunod ito sa nasabing taping.
Pagkatapos ng kung ilang taon, heto at muli na naman silang nagkasama sa isang programang magulo ang istorya, na kung saan ay nagtu-tweet daw si Katrina na insecure sa kanya hanggang ngayon ang isang tao, na hindi man direktang tinukoy ay obvious na si Marian iyon, na ayon sa kampo ng dalaga ay walang dahilan para patulan nila ang mga patutsada ni Katrina dahil buntis ito.
Yes! Tama nga ang desisyon ni Marian at ng kampo nito, dahil walang dudang si Marian nga ang “pinaglilihian” ni Katrina, bukod pa sa pagluluto nito ng kung anu-anong pagkain.

“Malamang maging kamukha ni Marian ang magiging baby ni Katrina dahil wala namang masamang ginagawa sa kanya si Marian, pero parang apektado si Katrina kapag nakikita si Marian. Pero gustung-gusto naman niyang nakikita ito.” Sabi ng aming kausap, na nagsabi pang naiintindihan daw ni Marian si Katrina, wala siyang magagawa kung napapaglilihian siya nito. Tsuk!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING