Kaya raw hiniwalayan na ng GF… Rafael Rosell, may relasyon kay Erich Gonzales?

KAMAKAILAN EH, NAISYU itong si Erich Gonzales na nakikipag-date daw sa Kapuso actor na si Mikael Daez at napapabalita ring may non-showbiz boyfriend na Chinese guy. Ngunit ano na naman itong naglalabasan na may relasyon daw ang young actress sa kapwa Kapamilya actor na si Rafael Rossell? Ayon sa mga tsismoso’t tsismosa, hiniwalayan na raw ang hunk actor ng kanyang non-showbiz girlfriend dahil kay Erich at nalamang hindi fathful sa kanya ang dyowa? Naku, sana naman hindi totoo ang balitang ito dahil may nasisirang relasyon, huh! Makakaapekto rin ang isyung ‘yan sa career ng dalawa kaya wish namin eh, kuwentong kutsero lang ang lahat.

Photos by Mark Atienza, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleXian Lim and Kim Chiu: We Found Love!
Next articleWill They Survive?

No posts to display