Kaya raw galit na galit si Shaina Magdayao Ruffa Gutierrez, ayaw tigilan ng kati-text si John Lloyd Cruz?!

ADVERTISING

Kaya raw galit na galit si Shaina Magdayao Ruffa Gutierrez, ayaw tigilan ng kati-text si John Lloyd Cruz?!

Kaya raw galit na galit si Shaina Magdayao Ruffa Gutierrez, ayaw tigilan ng kati-text si John Lloyd Cruz?! MAINIT PA RING pinag-uusapan ang isyung sagutan at palitan sa text nina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao. Na nagsimula ang lahat nang magkita-kita sina Shaina, Ruffa at John Loyd Cruz sa birthday concert ni Vina Morales.

Ayon kay Ruffa, may mga pangit na text siyang natatanggap during or after ng concert ni Vina na galing kay Shaina at using the phone of John Lloyd.

At nandiyan na tawagan pa ni JL si Ruffa para mag-apologized sa ginawa ng kayang girlfriend. Sa totoo lang, ayaw na raw ngang pahabain ni Ruffa ang kuwento. Sana nga raw ay matigil na. Mainit nga ang isyu dahil malala-king artista ang sangkot.

At ang balita nga ng aming source na kamag-anak ni JL, totoong may tampuhan daw ngayon ang magsyota. Dumadaan sila ngayon sa sitwasyon na away-bati, katulad ng ibang mga magkakarelasyon.

ADVERTISING

Hindi naman daw magte-text nang hindi maganda itong si Shaina kung wala raw itong text message na nabasa sa phone ni JL na nanggaling kay Ruffa. Sabi pa nga, may pinanggagali-ngan daw ang galit ni Shaina.

Basta ang totoo nga raw ay hindi pa break ang dalawa. Isang tampuhan lang daw.

Naku, anu kayang sey rito ni Ruffa? Gaano katotoo na siya ang unang nag-text?

Nagtatanong lang…

 

ILANG ARAW NA hindi nakapag-host  ng Wil Time, BigTime si Willie Revillame after ng kanilang big celebration last Saturday sa Smart Araneta. Super successful ang said event dahil nga ang buong akala ay magkakaroon ng malaking gulo sa Smart Araneta pero naging disiplinado naman ang audiences.

Napagod kasi nang todo si Willie kaya naman, inuna na muna niya ang kanyang health. Sabi nga, health is wealth.

And health is not a joke. Hahahaha!

Pero kahit hirap at pagod ang dinanas ng mahusay na host ay isa lang naman ang kanyang layunin, ang mapaligaya ang marami hangga’t kaya niya. Lalong nawala ang kanyang pagod nang umabot sa 40% percent plus ang ratings ng kanyang show. Isa sa mga mataas na naitala sa bakuran ng TV5.

Anyway, congrats sa bumubuo ng Wil Time Bigtime, lalo na kay Sir Jay Montelibano. Bow kami sa ‘yo.

 

BLIND ITEM: HULAAN n’yo kung sino itong bida natin sa ating blind item na isang not so young actor na nakitang nanood ng sine Last week lang bandang last full show na may kasamang isang baklitang patago. Ibig sabihin ko po ay pamintang durog.

Dati ay girl ang idini-date ng bida natin, pero ngayon ay iba na. Hindi kaya siya naka-score sa kanyang balitang nililigawan na young actress?

Malakas ang appeal nito sa babae at mga bading… nakadagdag pa ang mga tattoo niya. O gets n’yo na ba kung sino siya?

Kung sabagay, wala namang masama na magkaroon ng ka-date na bading. Baka naman friendly date lamang. Kaso very sweet nga raw ang dalawa. At nandiyan na may mga hawak-kamay pa.

Ang intial ng ating bida ay initial din ng madalas sabihin ng mga talunan sa isang pakontes kapag hindi naging tama ang mga hurado.

‘Yun na!

 

UGALIING MAKINIG SA amin sa DWIZ 882 khz, Wow Ang Showbiz, Mondays-Fridays, 11-12 nn. Sabi nga, the number one radio showbiz talkshow sa umaga.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING