KAYA PUMAYAT: Rhian Ramos, aminadong hiwalay na sa non-showbiz boyfriend

ADVERTISING

KINUMPIRMA mismo ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang dahilan ng kanyang pagpayat na napansin ng kanyang fans and followers. Kasabay nito ay inamin na rin niya na hiwalay na sila ng kanyang Israeli businessman BF na si Amit Borsok, na nakilala niya sa Amerika noong ito’y nagdesisyong manirahan muna doon habang naka-break sa showbiz para mag-aral.

“Many, many things have changed since the last time you saw me which was probably the apartment tour,” panimula ni Rhian. I gave a little look at the condo while we were moving out.

ADVERTISING
KAYA PUMAYAT: Rhian Ramos, aminadong hiwalay na sa non-showbiz boyfriend
Rhian Ramos

“And somehow, inside of that moving-out period… I went through a breakup,” Rhian reveals with a forced smile.

Nagulat ang mga tagahanga ng aktres dahil napapanood pa nila sa vlogs nito noon ang ngayo’y ex-boyfriend, na nagkataon na nasa Pilipinas nang ma-implement ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila. Hindi binanggit ni Rhian ang tunay na dahilan sa likod ng kanilang paghihiwalay ni Amit.

“It was so hard, I really had a hard time, guys..And not just ’cause I was, like, brokenhearted and, like, shattered, but other things in my life were giving me a lot of stress.”

ADVERTISING

Isa sa mga rason ng stress na nararanasan ni Rhian ngayon ay ang nakatakdang pagbabalik-taping nito para sa Primetime Drama series ng GMA-7 na ‘Love of My Life‘ kung saan bida sila nina Carla Abellana, Mikael Daez at Coney Reyes..

Dahil sa ‘new normal’ ng teleserye tapings ngayon, required na ma-lock down sa iisang hotel ang mga staff and crew ng mga programa for at least two weeks. Hindi rin ito agad-agad na makakabalik sa piling ng ina na nakatira sa Alabang dahil na rin sa posibilidad na baka maging carrier siya ng sakit pagkatapos magtaping ng mga eksena para sa teleserye.

Kahit na aminadong hindi ito okay (It’s Okay to Not Be Okay, Rhian!), nirerecognize naman ni Rhian na kailangan na nitong bumalik sa tamang pagkain para mas maging healthy ang kanyang pangangatawan. Nagtrending naman agad sa Twitter ang ‘Salamat Rhian’ at #’WeLoveYouRhian’ nang i-publish nito ang vlog sa kanyang channel.

Panoorin ang buong vlog ni Rhian:

Be well and get better, Rhian. We’re rooting for you!

ADVERTISING