Kaya primadonna at VIP treatment: Krista Ranillo, may bombang pasasabugin?! – Ruben Marasigan

Kaya primadonna at VIP treatment: Krista Ranillo, may bombang pasasabugin?! - Ruben Marasigan

Kaya primadonna at VIP treatment: Krista Ranillo, may bombang pasasabugin?! - Ruben MarasiganBongga talaga ang kabibiling bagong coaster ni Kris Aquino na ang loob ay mataray na ipina-costumized pa nito with matching CR, lababo, lutuan, dresser, at kung anu-ano pa. Biniro tuloy ang ka-tandem nito sa hosting at kaibigang si Boy Abunda kung hindi raw naiisipan ng binansagang King Of Talk ng bansa na magkaroon din ng gano’n.

“Hindi na,” maagap na tugon ni Kuya Boy last time na pinasyalan namin sa SNN. “Masaya na ako sa tricycle. Although afford ko ring bumili ng gano’n, kuntento na ako sa mga sasakyan ko kahit luma na. Hindi kasi ako mahilig magpalit-palit ng sasakyan. Sa akin hangga’t gumagana, okey pa. Maingat naman kasi ako sa oto.”

Kung-sabagay, bukod sa Starex van, meron din siyang dalawang Ford Expedition na isang black at isang white. May Chevrolet pa. Kuntento na raw siya for that four cars he owns right now.

“Sa bahay ako maluho. Aside from my own, I built my nanay her own house. Tapos I have a rest house. I also have a beach house. Kanya-kanyang hilig ‘yan, eh. Nagkataon lang na hindi sa sasakyan kundi sa bahay ang hilig ko.

“Dahil wala naman kaming bahay no’ng ako’y bata pa. So, ngayon ko ini-enjoy ang pagkahilig ko sa bahay. Na okey lang gumastos ako nang husto basta para sa magandang bahay,” nangiting sabi pa niya.

MISMONG SA MGA taong nasa paligid nina Manny at Jinkee Pacquiao minsan nanggagaling ang kung anu-anong kuwento tungkol sa maintrigang usapin hinggil sa pagkaka-link ng world boxing champ kay Krista Ranillo. Kaya tuloy lalong umiinit pa ang kontrobersiya about it, dahil may mga karagdagang tsismis ngang lumalabas na ang source ay mismong mga taong close sa kanila.

Kung close nga lang kami kina Manny at Jinkee, gustung-gusto naming itanong kung ano ang reaksiyong puwede nilang masabi hinggil sa mga kuwentong naririnig namin buhat mismo sa mga taong kasa-kasama nila.

Gaya na lang halimbawa no’ng bago ang mismong araw ng laban nina Pacman at Cotto sa Amerika, diumano’y may isang gabing nagkaroon daw ng mainitang pagtatalo sina Jinkee at Manny tungkol kay Krista na naroon din nga. Pinamili raw ni Jinkee si Manny kung kanino ito magpapalipas ng gabi. Sa kanya o sa lugar na kinaroroonan ni Krista.

Sa kinaroroonan daw ni Krista ang pinili ni Manny. Na hindi nga raw inakala ni Jinkee na isasagot ni Manny, kaya gano’n na lang daw ang sama ng loob nito.

Itinanggi na rin ni Jinkee ang isyung nagbigay siya ng ilang milyon diumano kay Krista para dumistansiya ito kay Manny.  Pero may kuwento pa rin kaming naririnig na sa isang kilalang bangko, nag-open daw ng account itong si Krista at ang nakapirma raw sa tsekeng pang-deposit ng aktres ay si Jinkee.

May tsismis ding takot ang kampo ni Manny kay Krista dahil kapag nagsalita umano ito, tiyak na may malaking bomba raw na pasasabugin ang aktres. Kaya gano’n na lang daw ito magpa-primmadona ngayon na talagang pa-VIP lagi ang gustong treatment.

Malayo pa ang tatakbuhin ng isyung Jinkee-Manny-Krista. May mga pahayag man ng pagdi-deny tungkol sa mga usaping kinasasangkutan nila, hindi nito mapigilan ang pagsulpot nga ng kung anu-anong kuwentong kumukontra sa kanilang mga sinasabi.

Ano nga ba talaga ang totoo kasi?

NATATAWA KAMI SA kuwentong narinig namin tungkol sa isang male TV personality na ngayon ay isa nang public official. Noon palang panahon ng kasagsagan daw ng pananalasa ni Ondoy at lumulubog na sa baha ang lugar na kanyang nasasakupan, hysterical daw ito na nagtatatawag at text nang text sa mga kasamahan sa dating propesyon niya.

Ang lalaking-lalaki na imahe raw nito bilang TV personality at pulitiko, biglang-bigla nabura dahil sa sobrang pagpa-panic sa nangyayari. Nagpipilantikan daw ang mga daliri nito at halos magtitili na raw dahil sa tensiyon kung ano ang gagawing aksiyon sa hindi inaasahang hagupit ng matinding kalamidad.

Sabi pa nga umano nito sa mga female colleagues na tinatawagan at tini-text niya, “Mga ate, ano na kaya ang mangyayari? Nalulunod na kami rito. This maybe my last call! Naloloka na ako!”

Mas naloka raw ang mga dating katrabaho ng TV personality-turned-politician na ito. All the while, akala nila ay lalaking-lalaki ito. Pero hindi pala.

Dahil kapag natitensiyon at nagpapanic, nagiging girl na girl ang astig na dating nito. Ha-ha-ha! ‘Yon na!  

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan