Kaya Napikon na si Willie Revillame… Ilang Female Taartits, Pakialamera?!

ADVERTISING

Kaya Napikon na si Willie Revillame… Ilang Female Taartits, Pakialamera?!

ADVERTISING

SUMABOG NA SI Willie Revillame sa mga celebrities na patuloy na nagtu-tweet sa kanya at sa programang Willing Willie, kung saan lumaki na ang isyu nang pagsasayaw ng macho dancing ng batang si Jan- Jan sa isang segment ng show ni Papi. Hindi napigilan ng ibang taartits na magbigay ng kanilang mga comment hinggil sa ginawa na ‘pangmomolestiya’ raw ng programa ni Willie sa kainosentehan ng bata. Ang sabi ng ilang mahadera eh, lumalabas na nakikisawsaw lang daw ang mga ito pati na ang mga ahensiya tulad ng MTRCB, DSWD at Commission on Human Rights. Dyusko! Lahat tayo ay may karapatan na magbigay ng ating sariling opinyon kaya sana eh, huwag agad na magbibintang ang mga nagmamagaling na sawsawera at pakialamera ang mga concerned artists natin sa industriyang ito, ‘di ba? Hindi po ako galit, nagpapaliwanag lang… he-he! Mahaba pa ang tatakbuhin ng reklamong

ito kay Willie, kaya abangan na lang natin ang mga susunod pang kabanata, hane? Pero teka, trulili kaya na mga PAKIALAMERA nga ang mga female celebs na nagbigay ng kanikanilang maaanghang at madamda-ming komento? Hmmm… narito ang mga nakuhang ebidensiya ng aming kamerang-gala. Kayo

na ang humusga sa kanila. Tsuk!

ADVERTISING

Ni MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING