Kaya Nalalaos: Sarah Geronimo, nagmamaldita na?

ADVERTISING

Kaya  Nalalaos: Sarah Geronimo, nagmamaldita na?

Kaya  Nalalaos: Sarah Geronimo, nagmamaldita na?GALIT SI RICH Asuncion, pero wala siyang balak magdeman-da sa mga nag-kakalat na buntis siya. Pinuntahan ng Pinoy Parazzi ang aktres sa set ng taping ng programang Face to Face, The Untold Stories at ipinakita ng aktres ang kanyang tiyan. “Ganito ba ang buntis? Tsaka paano akong magbubuntis, wala namang gumagalaw sa akin?” sunud-sunod na sabi ng dalaga.

Wala kaming relasyon ni Aljur (Abrenica), hindi ko siya boyfriend kaya paano niya ako mabubuntis?” sinabayan pa ng makakahulugang ngiti ng aktres.

Aminado si Rich na napipikon siya sa intriga pero wala raw siyang magagawa. “Parte ito ng buhay artista pero tao lang din ang mga artista para hindi masaktan sa mga ganitong intriga.”

Sa kabuuan, patapos na sinabi ni Rich na mabubuntis lang siya kapag kasal na siya sa lalaking ama ng kanyang dinadala.

ADVERTISING

NANG MAPANOOD NAMIN sa TV Patrol ang paglabas ni Patrick dela Rosa sa piitan ng Station 7 sa Quezon City, natuwang-nainis kami. Nainis, kasi ilang beses namin siyang tinangkang kausapin kaugnay sa kasong rape na inihain sa kanya ng isang non-showbiz girl, pero laging humaharang ang mga kasamahan niyang inmates at hindi siya nagpapakita.

Ang nakabubuwisit, ‘yung mga inmates na humaharang ha, halatang bayad, na para bang kami pa ang “rapist” na anytime ay gagawan namin ng hindi maganda si Patrick sa sobrang higpit ng kanilang pagbabantay. Na ultimo mga pulis at ‘yung mga tao sa women’s desk ay para bang takot na hindi mo maintindihan kapag aming tinatanong.

Sa totoo lang, sa halip na maawa kami kay Patrick nang makita namin itong nakatalukbong ng kumot habang inilalabas ng mga pulis sa kulungan, natuwa kami. Simply because, buti nga sa kanya dahil naniniwala kami na hindi siya ganu’n “katakot” kung talagang wala siyang ginagawang kalokohan.

Beh, buti nga!

SI SARAH GERONIMO ang itinuturing ngayong Flopchina Queen, matapos na hindi mag-rate ang kanyang Idol na sa totoo lang ay basurang-basura ang dating, to compare sa mga programang Noah, Magkaribal at Imortal na bongga talaga.

Ngayon ay unti-unti nang mararamdaman ni Sarah ang dulot ng kanyang pagiging laos, lalo pa at maraming fans na ang nagagalit sa kanya dahil lately ay nagiging maldita siya na para bang nahahawa na siya sa pagiging mahadera ng kanyang ina.

Nalulungkot kami para kay Sarah kung hindi siya makakabangon sa sunud-sunod na pagbagsak ng kanyang mga projects, dahil naging masipag naman ito sa kanyang trabaho at makikita mo ang kanyang dedikasyon para umangat ang kanyang career.

Kunsabagay, kahit mawala naman sa sirkulasyon si Sarah at tuluyang mangulimlim ang kanyang career ay okey lang. Kasi marami na rin naman siyang naipon at naipundar. At iyon naman ang pagkakaiba ng mga magulang ni Sarah sa ibang magulang ng ilang artista na naging bulagsak.

Well, isa lang ang masasabi namin sa pagkawala ng programang Idol, hindi na bago sa amin. Kung si Sharon Cuneta nga, nawawalan ng show, si Sarah pa kaya na hindi naman Megastar at wala pang titulo? Hmpt!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING