Kaya nakipag-engage na kay Sen. Chiz Escudero
Heart Evangelista, ayaw magpatalbog kay Marian Rivera

ADVERTISING

<i>Kaya nakipag-engage na kay Sen. Chiz Escudero</i><br> Heart Evangelista, ayaw magpatalbog kay Marian Rivera

Heart-Evangelista-Chiz-EscuderoMAY MGA nagsasabing gaya-gaya at ayaw lang magpatalbog ni Heart Evangelista kay Marian Rivera kaya nakipag-engage na rin siya sa kasintahang si Sen. Chiz Escudero.

Ikakasal sina Marian at Dingdong Dantes sa Dec. 3 sa Immaculate Conception Cathedral pero wala pang date kung kailan naman magpapakasal sina Heart at Sen. Chiz.

Naging big news sa showbiz ang pagpo-propose on national television ni Dingdong sa kasintahan at feeling ng mga bashers ni Heart, natabunan siya sa eksena kaya hayun at may-I-propose na rin ang kasintahan with matching engagement ring pa.

Teka, kanino kaya ang mas mahal na engagement ring sa dalawa? Totoo kayang doble ang presyo ng singsing na ibinigay ni Sen. Chiz kay Heart kumpara sa binigay ni Dingdong kay Marian?

ADVERTISING

Sabagay, pansin namin na mas malaki nga ang bato (diamond) nu’ng nasa singsing ni Heart, bukod pa sa maliliit na nakapalibot dito. Magkano kaya ang exact price niyon?

Anyway, sino kaya ang susunod na showbiz couple na magpaplano na ring magpakasal? Will it be Bea Alonzo and Zanjoe Marudo? O sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban?

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING