Kaya nakipag-break kay Jewel Mische: Richard Gutierrez, pinopormahan ang ex-gf ni Derek Ramsay?!

AYAW NANG PATULAN ni Marian Rivera ang mga sinabi ni Bela Padilla na kasama niya sa Endless Love.

Nagpa-presscon kasi itong si Bela kaya napag-usapan tuloy ang intrigang pinagseselosan daw ito ni Marian.

Ang daming mga naglabasang isyu sa kanila na kesyo nilalandi raw nitong Bela si Dingdong. May eksena raw minsan na kunwari nakayakap ito kay Dingdong, talagang nakadikit daw ang boobs nito.

Itinatanggi ito ni Bela dahil hindi naman daw siya ganu’n kahigpit kung yumakap. Hindi nga raw sila nag-uusap ni Dingdong sa set kaya paano raw siya pagseselosan?

Matagal na ring nasagot ni Marian ang isyung iyan na walang dahilan para magselos siya kaya wala raw ganu’ng intriga.

Pero ang dami pang naglabasan, gaya nang ikinulong daw ni Marian si Bela sa isang kuwarto at kinausap daw ito tungkol sa kanila ni Dingdong.

Hindi nagkomento si Bela sa isyung iyan. Ang nasabi lang niya, hindi naman daw tama ‘yung term na ikinulong, dahil ‘di naman daw ganu’n ang nangyari.

Meron pang bakit daw ang tawag ni Bela kay Marian, Ate Yan pero kay Dingdong walang Kuya at Dingdong lang ito.

Sagot naman ni Bela, sila pa raw ni Marian ang nag-uusap kaya natatawag niya itong Ate Yan. Pero kay Dingdong hindi niya man lang matawag na Kuya kasi hindi naman daw sila nag-uusap.

Ang daming isyung sinagot ni Bela, ha! Pero hindi na ito pinatulan ni Marian. Ayaw na raw niyang palakihin pa ito dahil hindi naman ito makaka-tulong sa Endless Love.

Ganu’n din ang sagot nitong Bela, nakiusap itong huwag nang intrigahin hanggang sa matapos ang taping ng Endless Love dahil baka makaapekto pa raw ito.

Paliwanag naman ni Dingdong, nagtatrabaho lang daw sila bilang aktor at hindi nga raw sila nag-uusap sa set, kaya paano raw magkaroon ng mga ganu’ng intriga? Tingin naman daw niya, maayos silang nagti-taping dahil natatapos naman nila ang dapat tapusin sa isang taping day.

Siguro tapusin na iyan at baka mapagbintangan pang ginagamit lang ni Bela si Marian para mapag-usapan.

MARAMI ANG HUMUHULANG magkakabalikan din sina Richard Gutierrez at Jewel Mische lalo na kung matutuloy ang pagsasama nila sa Captain Barbell.

Ito na raw ang susunod na gagawin ni Richard pagkatapos ng Survivor Philippines, at isa sa pinagpipiliang ka-partner niya rito ay si Jewel. Malamang magkaayos din iyan sila bago sila magsimula ng Captain Barbell.

Boto naman ang pamilya ni Richard kay Jewel. Pero sabi nga ni Annabelle Rama, ang anak niya ang magdedesisyon pagdating sa lovelife nito, dahil hindi niya ito pinapakialaman.

Pero manager ni Bisaya si Jewel na co-managed sa GMA Artists Center, kaya posibleng maayos pa ang kung ano mang problema ng dating magkasintahan.

Kaya lang, nali-link naman ngayon si Richard sa isang castaway ng Survivor Philippines na si Solenn Heusaff (na ex-gf ni Derek Ramsay), kaya malay natin baka magkatotoo.

Kahit anong deny nila, marami ang nagkukuwentong kakaiba ang closeness ng dalawa. Kaya abangan na lang natin kung aabot na sa ligawan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleSam Pinto, tuloy na sa Siyete?!
Next articleKati Mo, Nose! (Billy Crawford)

No posts to display