Kaya nagpasabog: ex-BF, nalamang nililigawan ng sikat na personalidad ang ex-GF?!

ANG NARINIG namin – pero hindi naman namin kino-confirm, ha? – na lihim na nililigawan ng isang sikat na personalidad ang isang kontrobersiyal na young actress.

At ito’y nakarating sa ex-boyfriend ni young actress. Si Ex ay hindi pa rin maka-get over at maka-move on sa nakaraang pakikipagrelasyon kay young actress.

Eh, si Ex ay kilalang “benggador” as in gagawa at gagawa ng paraan kahit pailalim para lang makaganti sa ex-GF. Kaya ang ginawa raw nito ay gumawa ng isang “pasabog” na aba, oo nga, lumikha ng matinding ingay kelan lang.

“So, lumalabas, mare,” sey pa ng aming source, “Na kung hindi ka rin lang babalik sa akin eh, sisiguraduhin kong walang makikinabang sa ‘yo, dahil sisirain ko ang reputasyon mo at ang career mo!”

Talaga? Me gano’ng factor? Baka nagkataon lang, hindi kaya?

“Totoo, ‘Day! Tingnan mo ang pasabog niya, ‘di ba? Sino ang hindi mawiwindang du’n. Eklat-eklat ‘yung rason na me nagnakaw ng ____ at hindi na niya alam kumba’t kumalat ‘yon.

“Kasi nga, nakarating sa kanya na nanliligaw si _____ sa ex niya. Parang na-slight insulto siya, kaya ayun na, sunud-sunod na ‘yan. Eh, parang baliw pa namang umibig ‘tong si ex-boyfriend, kaya hindi na makatulog sa pag-iisip kung paano pang makakaganti.”

Hindi namin alam kung ito’y totoo. At hindi rin namin alam kung aware sa isyung ito ang sikat na personalidad na nililigawan pala nito ang ex ni ex-boyfriend. I mean, you know….

(By Ogie Diaz)

Previous article5 Patay sa Vehicular Accident sa Iloilo
Next articleVic Sotto, desidido nang pasukin ang pulitika?

No posts to display