Kaya nagbabalak lumipat sa Singko Derek Ramsay, binabastos ng ilang tao sa Dos?!

Kaya nagbabalak lumipat sa Singko Derek Ramsay, binabastos ng ilang tao sa Dos?!

Kaya nagbabalak lumipat sa Singko Derek Ramsay, binabastos ng ilang tao sa Dos?! NAG-STORYCON NA ang pelikulang pagsasamahan nina Bea Alonzo at Derek Ramsay, pero hanggang ngayon ay undecided pa rin ang aktor sa kanyang plano. Ang usap-usapan ay nakatakdang lumipat talaga ang aktor sa bakuran ng TV5, dahil sa magandang proyektong nag-aantay rito. Pero maganda rin ang mga project na naka-line-up sa kanya sa Dos.

Ayon sa isang taong malapit sa aktor, very close daw si Derek kay Manny Pangilinan dahil hindi pa ito artista ay nagtiwala na ito sa kanya para sa mga unang commercial na ginawa ng aktor. Pero hindi rin kinakalimutan ng binata ang mga magagandang bagay na ibinigay sa kanya ng Dos.

“Actually kung tutuusin hindi naman sana maiisipang lumipat ni Derek, kaya lang may ilang tao riyan sa Channel 2 ang walang respeto sa kanya,” sabi ng aming source.

Iwas magbigay-komento si Derek sa isyung paglipat niya sa TV5. Pero ang tiyak, nahihirapang magdesisyon ngayon ang binata dahil sina Manny Pangilinan at Charo Santos ay malapit sa kanyang puso.

Sana lang ay makapag desisyon nang tama si Derek. Tsuk!

 

SOBRANG SAYA ni Ynez Veneracion dahil makakasama siya sa pelikulang gagawin ni Vilma Santos, kung saan ay gaganap siya bilang kaibigan ng Star For All Season. Ayon kay Ynez, nakatulong nang malaki ang pagiging Claire niya sa Munting Heredera.

Kaya nagbabalak lumipat sa Singko Derek Ramsay, binabastos ng ilang tao sa Dos?!

“Dati puro lalaki lang ang nagpapa-picture sa akin, ngayon mas maraming nakakakilala sa aking mga bata at gustung-gusto nila ako. Mag-i-storytelling nga ako sa Enchanted Kingdom. Sabi ko nga nu’ng sabihin sa akin, eh, sigurado ba kayo? Ako ba talaga ang gusto n’yong magbasa para sa mga bata? Ganu’n! Ang saya-saya ko, kasi unti-unti na ako ngayong napapansin,” sunud-sunod na sabi ni Ynez nang puntahan namin siya sa taping ng Untold Story.

 

SPEAKING OF Untold Story, mukhang magkakaroon ng gusot sa pagitan nina G Toengi at Alice Dixson. Ganito kasi ang kuwento. Tinanong namin si G kung bakit parang hindi siya tumatanda. Kapansin-pasin kasi na kahit may dalawang anak na ang aktres ay parang dalaga pa rin ito.

“Ang ganda ganda mo pa rin hanggang ngayon G,” sabi namin at sinundot namin ng ganito, “Pareho kayo ni Alice, hindi kayo tumatanda. Pareho kayong maganda.” At alam ba ninyo kung ano ang reaction ni G Toengi?

Sabi ni G, wala raw retoke sa mukha niya. Walang tusok dito at walang tusok diyan.

Hahaha! Kayo na po ang bahalang mag-one plus one. Tsuk!

Panoorin ang kontrobersiyal na Untold Story, mga kuwentong hango sa Face to Face ni Amy Perez.

 

70 PERCENT lang daw ang chance na maibalik ang magandang boses ni Nora Aunor, matapos na ito ay magpakayod ng kanyang lalamunan sa Boston. Ayon sa ating source, hindi raw nagdaan sa matinding operasyon ang Superstar dahil iniwasang lalong mamaos ang aktres.
“Kinayod ang lalamunan niya, parang may tinanggal lang na laman du’n and then, unti-unti na uling babalik ang boses niya,” kuwento sa amin iyon ng aming source na nagsabi ring labis ang pagpapasalamat ng Superstar sa TV5, dahil isa ito sa mga tumulong para matuloy ang pagpapagamot ng aktres.

Matatagalan daw ang pagbalik ng golden voice ni Nora, pero unti-unti ay magiging maganda ang daloy ng pagsasalita nito at hindi tulad ngayon na parang putul-putol at mahinang hindi mo maintindihan.

Maibabalik daw ang dating tinig ni Mama Guy pero hindi isang daang porsiyentong kasing ganda pa rin ito sa dati. Tsuk!

 

More Luck
by Morly Alinio