Kaya nag-decide nang lumipat sa TV5 Mariel Rodriguez, ‘panghating-gabi na lang siya!

Kaya nag-decide nang lumipat sa TV5 Mariel Rodriguez, ‘panghating-gabi na lang siya!

Kaya nag-decide nang lumipat sa TV5 Mariel Rodriguez, ‘panghating-gabi na lang siya!HOW TRUE NA ang isa raw sa dahilan kung bakit nag-decide na rin si Mariel Rodriguez na iwanan ang Dos ay dahil hindi niya type ang next hosting project niya sa network?

Bali-balitang hindi nagustuhan ni Mariel ang planong paglagay sa kanya sa Uplate episode ng bagong Pinoy Big Brother na malapit nang magsimula.

Ang gusto ni Mariel ay nasa primetime pa rin ang beauty niya alongside Toni Gonzaga and Bianca Gonzales.

Pero ang katwiran naman ng management, hindi na bagay na kasama nina Toni at Bianca si Mariel sa primetime dahil may asawa na ito.

 

PINAGTIYAGAAN NAMING PANOORIN minsan ang bagong star search ng Siyete at talagang kahit na ano’ng gawin namin ay hindi namin siya magustuhan.

Search for the next singing sensation ang show, pero feeling namin ay nanonood kami ng drama. Wala yatang segment na hindi umiyak ang mga contestant na parang nagpapaawa. Parang on cue ang kanilang pag-iyak, ganoon din ang kanilang mga relatives. Parang they have so many sob stories to tell and it is never ending, mind you.

 

BLIND ITEM: USAP-USAPAN ang pagkahilig sa luxury bags ng network executives. Talagang they will do everything nga raw basta magkaroon lang ng designer bags.

At ang mga celebrity naman na gustong mapalapit sa kanila ay alam kung papaano sila ipi-please. At iyon ay bigyan sila ng mamahaling bag.

Asahan mo raw na palagi kang naaalala ng executives na ito kapag nakapabigay ka sa kanila ng gustung-gusto nilang bag.

The who sila? Naku, wah na clue dahil hindi naman sila sikat katulad ng stars nila.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas