Kaya nag-ala Nora Aunor
Marian Rivera, natakot na rin kay Cristy Fermin?!

ADVERTISING

<i>Kaya nag-ala Nora Aunor</i><br> Marian Rivera, natakot na rin kay Cristy Fermin?!

<i>Kaya nag-ala Nora Aunor</i><br> Marian Rivera, natakot na rin kay Cristy Fermin?!OLA CHIKKA! Tili ng inyong lingkod ‘pag hindi ko nagugustuhan ang mga pinaggagawa ng mga kasamahan natin sa industry. Tulad nitong nangyari kay Marian Rivera na akala niya nakagaganda sa kanyang career. Hindi niya alam na pinagtatawanan lang siya kasama ang kanyang mahaderang manager na nagngangalang Popoy. Sounds familiar!

Kasi naka-banner mismo dito sa Pinoy Parazzi na ‘May bitbit na peace offering: Marian, personal na pinuntahan si Cristy Fermin’. Kaloka, as in, nakakabuwang sa Earth! Pa’no naman ang ibang naiinis din sa attitude problem ni Marian? Ano ang tingin nila kay Cristy, may nagtitiwala pa ba sa kanya? Ang talk show nga nila, hindi mapaangat-angat sa rating, kasi walang mga kumpanyang gustong i-plug ang kanilang pro-duct. Kasi wala na silang tiwala kay Cristy. Take note, TV5 na lang ang nagtiyaga sa kanya. Kaya ‘pag nawala siya sa TV5, sino pa kaya ang kukuha sa kanya, ‘di ba?

Bakit maraming takot dito sa babaeng ito na puro paninira ang ginagawa? Pangalawa na ito. Natatandaan n’yo na nu’ng dumating dito si Nora Aunor mula sa kanyang pagliliwaliw ng walong taon sa America, nagpa-interview pa ito sa The Buzz at si Boy Abunda ang nag-interview sa kanya, na ang sabi niya, kakastiguhin niya si Cristy Fermin? Pero ano ginawa niya, siya pa ang parang asong bahag ang buntot na pinuntahan nang personal si Cristy sa dressing room ng TV 5.

Ang tanong, may naitulong ba ang pagbati nila sa kanyang career sa TV5, ‘di ba? Parang wala namang nangyari, kasi ang dating ni Nora, parang pangsahog na lang sa mga show ng TV5.

ADVERTISING

Yes, Christmas na nga, at ito ang tamang pagbibigayan at pag-uunawaan, kaya nagkaroon daw ng party itong kampo ni Marian. At ang mga inimbita ay ang mga nakatulong sa kanyang career. Ano ka hilo? Kung toong peace ang hangad mo, dapat wala kang pinipili na imbitahin dahil ang Pasko ay para sa lahat. Kayabagan pa ang mga press realess na may mga pa-raffle pa as in P50k ang halaga na parang nang-iingit pa sa mga hindi naimbita. Hindi nila alam na marami tuloy ang nagngingitngit sa kanya.

‘Eto ang sinabi ni Ronnie Carrasco sa kanyang column: “But the event was not intended for the general working press. Like last year, ang nagsasala ng mga iimbitahan lang ay ang manager ng aktres, si Popoy Caritativo. It seems that Popoy keeps track of those who write ill of his ward, hence, hindi welcome ang mga ito sa pagmumudmod nila ng grasya.

“Pero walang iniwan ang Christmas treat which is supposed to be shared and partaken of. Kung naging ugali na nina Marian at Popoy ang mamili lang ng mga reporter na pasasayahin, they are not, in effect, trying to win their opponents to their side.

“Sila pa tuloy ang nagdedeklara ng giyera with their selective invitation scheme against those reporters who are simply doing their job. Makanti lang pala si Marian, out of grace na ang reporter?

“Several months ago, “suki” si Marian ng mga kolum ng kaibigang Cristy Fermin, ke sa mga blind item o diretsong pagpapangalan sa kanya sa ‘di na mabilang na pagkakataon.”

Ang tanong, bakit si cristy lang ang may ganitong peace offering, at dala pa raw sa studio. Unfair ‘yan sabi nga ng mga hindi naimbitahan sa kanilang X-Mas party. Too bad talaga, kaya patuloy pa rin sa pambubuska itong si Cristy. Kasi kayo na rin ang nagto-tolerate sa kanyang maling ginagawa kaya namimihasa. Isa pa, wala ng masyadong nagtitiwala sa kanya, kasi ang kilala lang nito ay ang madadatung tulad ni Willie Revillame. Take note! ‘Di ba naman!

 

BLIND ITEM: Sino itong young actress na feeling superstar kung umasta? Kasi ba naman, pumunta ng mall na balot na balot as in hindi halos makita ang mukha kasi naka-shade nang napakalaki at kahit gabi na, hindi pa rin inaalis ang kanyang shade. Natatakot daw kasing pagkaguluhan.

May isang saleslady na nakakilala sa young actress na gustong magpa-picture sa kanya. Itinanggi ng young actress na siya ‘yun at iniwan ang kasambahay at ito na ang nagbayad ng pinamili. Kasi baka raw magtawag ang saleslady na siya ‘yun.

Kaloka! Parang gusto kong sabuyan ng agua bendita ang hitad na ito?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING