Kaya nag-aaway: pagpunta sa ibang bansa ni aktor, ipinagmamaktol ni female celeb?!

ADVERTISING

TRUE BANG ANG napipintong pagpunta ng isang actor sa ibang bansa para gumawa ng sarili niyang career ang pinag-aawayan nila ngayon ng kanyang syotang celebrity rin?
Hindi yata gusto ng female celebrity na mawalay nang matagal ang kanyang dyowang aKtor kaya naman ito ang madalas nilang pagtalunan sa ngayon.
Sikat na sikat pala ang actor sa isang Asian country katulad Din ng isang singer na Kristiyano. Gusting samantalahin ng aKtor ang pagkakataon na gumawa ng pangalan sa bansang iyon, bagay na hindi yata nagustuhan ng kanyang karelasyon. Kasi naman, it would mean na mawawalay sila nang may kung ilang buwan.

(By Alex Brosas)

ADVERTISING

 

ADVERTISING