KAYA LIGWAK SA NBA: Kobe Paras, may attitude problem nga ba?

ADVERTISING

KAYA LIGWAK SA NBA: Kobe Paras, may attitude problem nga ba?

KAYA LIGWAK SA NBA: Kobe Paras, may attitude problem nga ba?
Kobe Paras

ALAM NA!  Someone from the US of A na kakilala namin na may koneksyon sa NBA ang nagtsika sa tunay na nangyari sa magandang kapalaran sana ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster bilang the next big thing in the USA basketball circuit na si Kobe Paras

Ipinagbunyi kasi ng buong Pilipinas ang pagpunta niya sa Amerika sa isang supposed basketball scholarship.  Ilang basketball drafts na ang nakaraan sa university circles sa California, pero tila wala nang ingay na narinig mula sa gwapong binata.

KAYA LIGWAK SA NBA: Kobe Paras, may attitude problem nga ba?
Kobe Paras

Ayon sa aking source, kinulang pa rin sa height si Kobe kahit sabihin pang six-footer siya!  Maliit pa rin siya sa standards ng mga Amerikano or other junior basketball imports.  Bukod pa diyan, e, sinabi nang nagtsika sa akin na kinulang din daw ito (sa obserbasyon ng mga Amerikanong coaches), ng motibasyon para hangaring mas galingan pa ang kanyang playing style.  Very typically Pinoy na sa aming pananaw, na kapag kumpiyansa ka na sa sarili, e, stop na sa praktis.

Sa ngayon, na nakabalik na sa Pinas si Kobe ay nag-aaral siya sa U.P. at naglalaro sa team Maroons.

ADVERTISING

Isa na namang pangarap ng isang Pinoy na nag-aasam na maging international, ngunit naudlot.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING