Kaya iniwan ni Direk GB Sampedro Daina Menesez, ayaw magpabuntis?!

ADVERTISING

Kaya iniwan ni Direk GB Sampedro Daina Menesez, ayaw magpabuntis?!

Kaya iniwan ni Direk GB Sampedro Daina Menesez, ayaw magpabuntis?!

HOW TRUE KAYA ang nakalap naming balita na ang dahilan daw ng break-up nina Daiana Menezes at GB Sampedro na kamuntik-muntikan nang humantong sa kasalan ay ang pagtanggi ni Daiana na mabuntis.

Ayon na rin sa aming narinig, gustung-gusto na raw magka-baby ni Direk GB kay Daiana, pero hindi pa raw handa ang Eat… Bulaga! mainstay kaya naman daw ang ending ay ang paghihiwalay ng kanilang landas.

At dahil hiwalay na sila, ibinalik ni Daiana ang napaka-expensive ring na iniregalo sa kanya ni Direk GB na kanilang engagement ring. Wala naman daw rason pa para itago ito lalo na’t  break na sila.

ADVERTISING

Isa pa raw sa hindi nagustuhan ni Daiana kay Direk GB ay ang hindi nito pagtulong nu’ng time na nasunugan ito kahit nasa iisang building lang sila. At sa paghihiwalay raw ng mga ito, ang mga closest friends ni Daiana ang natuwa. ‘Yun na!

 

WALA RAW PROBLEMA sa lead actress ng inaabangang  pelikula ng taon na mapapanood sa Metro Manila Film Festival, ang My Househusband ng Octo Arts Films, na si Judy Ann Santos – kasama ang kanyang esposo na si Ryan Agoncillo at mula sa direksiyon ni Joey Reyes – na mabuntis muli.

Ayon kay Juday, medyo malaki na naman daw ang kanyang baby Lucho (1 year old) at 6 years old na si Yohan,  kaya naman if ever na mabuntis siya ay okey lang dahil blessings daw ito galing sa Diyos. Bukod sa 34 na raw siya sa susunod na taon, kaya naman daw handang-handa na siya.

“Katulad ng sabi ko dati, wala naman akong problema du’n. Okay lang naman kasi magti-34 na ako sa birthday ko next year. Kung mabuntis man ako, bakit naman hindi? Blessing ‘yan. ‘Pag nag-35 ako, ‘pag nabuntis ako, baka mahirapan na ako. So, dumating man siya ngayon or pag-35 ako, bonggang-bongga, prepared ako.”

If ever daw na masusundan ang kanilang anak ay mas gusto nito na isa lang dahil alam daw nito na mahirap magpalaki ng bata lalo na’t pareho silang nagtatrabaho ni Ryan at ‘pag buntis ka raw ay pahinga ka at wala ring trabaho.

ISA RAW SA naging ins-pirasyon ng magaling na host/dancer/singer/actor na si Jojo Alejar para paghusayan ang kanyang talent sa pagho-host ay ang nag-iisang Master Showman ng bansa na si Mr. German Moreno.

Ayon kay Jojo, na-train daw siya nang husto sa That’s Entertainment, from dancing, singing, acting hanggang hosting na naga-gamit niya ngayon. Dito rin niya natutunan ang kahalagahan ng trabaho at ang pagiging professional.

Katulad ng show ni Kuya Germs, ang Mastershowman, na lahat ng artista na mula  sa iba’t ibang istasyon na puwedeng mag-guest sa show nito sampu ng mga baguhan, sa show raw ni Jojo na Jojo A All The Way na napapanood sa TV5, Monday to Friday nights, welcome din daw lahat ng artista na mag-promote kahit ano pang istasyon ang kinabibilangan nito. Nagbibigay rin siya ng pagkakataon sa mga baguhan na makapag-perform sa kanyang show.

 

BONGGA ANG CAREER ng isa sa award-winning actor sa bansa at isa ring mahusay na singer na si Jericho Rosales, dahil bukod sa pamamayagpag ng career nito sa pag-arte at pagkanta, in-demand din itong product endorser.

At ang latest nga nitong iniendorso ay ang Vantage Razors, kung saan formally ni-launch ito bilang celebrity endorser ng nasabing produkto, sa Area 05 na dating Ratsky sa Tomas Morato.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING