Kaya hiniwalayan
Krista Kleiner, ‘di na kinaya ang pananakit ni JayR

ADVERTISING

<i>Kaya hiniwalayan</i><br>Krista Kleiner, ‘di na kinaya ang pananakit ni JayR

<i>Kaya hiniwalayan</i><br>Krista Kleiner, ‘di na kinaya ang pananakit ni JayRGUSTO NA naman yatang magpaingay ni Krista Kleiner, ha!

Na-interview pala ito ni DJ Mo Twister sa Podcast niya, na hindi ko naman alam kung ano ‘yun, ha?!

Napag-usapan lang ng mga staff sa Startalk na sinabi raw ni Krista sa interview na isa sa mga dahilan ng hiwalayan nila ni JayR, dahil sinasaktan daw siya.

Iba na talaga ang mag-boyfriend ngayon, ha! Magsyota pa lang ‘yan, nag-uumbagan na?

ADVERTISING

Kuwento ni Krista, meron daw pagkakataong nasaktan siya.

Wala naman daw siyang balak na ilabas pa ‘yun, pero marami raw kasing nagtanong sa kanya ng kung anu-ano, at napag-usapan daw nila ni DJ Mo ang tungkol sa pananakit sa magkasintahan at nadulas yata si Krista, naikuwento niya itong naranasan niya kay JayR.

Ayaw pa munang ikuwento ni Krista ang buong detalye, pero mukhang balak niyang ikuwento ito lahat ‘pag matuloy ang interview ng Startalk sa kanya.

<i>Kaya hiniwalayan</i><br>Krista Kleiner, ‘di na kinaya ang pananakit ni JayRUmalis muna siya pa-Malaysia at pagbalik daw niya, pag-usapan daw nila ng manager niyang si Arnold Vegafria kung iri-reveal ba niya ito lahat.

Hindi pa nahingan ng sagot si JayR tungkol diyan dahil nu’ng Sabado lang yata siya dumating galing Amerika. Ewan ko kung papatulan niya ‘yan.

Eh, ito palang si Krista ay magpu-promote na ng album niya, kaya siguro nag-iingay na siya ngayon. Tingnan na lang natin.

 

BUMALIK PALA ang cute na bagets na si Vincent Magbanua sa Indio. Nag-taping na raw ito nu’ng nakaraang Sabado.

May ilang flashbacks sila nu’ng maliit pa si Indio kaya kailangan niyang mag-taping.

Sa totoo lang, marami pala ang nag-request na kung puwedeng bumalik daw si Vincent dahil marami ang nagkagusto sa kanya.

Magaling naman kasi talaga ang batang ito, kaya dumami ang fans nito.

Malay natin, baka may magawa ang mga writers na maging regular na si Vincent kaya abangan na lang natin at tutukan pa rin ang Indio.

Ang isa pang excited na rin na mag-taping sa Indio ay si Aljur Abrenica. Siya ang isa sa idadag-dag sa main cast ng Indio dahil bagay sa kanya ang role.

Bukas na raw siyang magsisimulang mag-taping. Special participation lang siya roon, pero mahaba-haba naman daw ang exposure niya.

Paganda nang paganda na nga ang kuwento ng Indio, kaya super tutok talaga ako.

Siyempre lalo akong natutuwa kay Bong dahil magaling siya talaga rito sa Indio. Ibang-iba ang performance niya rito at ang laki ng iginaling niya. Kaya proud na proud ako sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING