KAYA #BLESSED SA LIFE: Kabaitan ni Kim Chiu, hindi matatawaran!

ADVERTISING

KAYA #BLESSED SA LIFE: Kabaitan ni Kim Chiu, hindi matatawaran!

KAYA #BLESSED SA LIFE: Kabaitan ni Kim Chiu, hindi matatawaran!
Kim Chiu

IILAN LANG talaga nakakaalam sa “The Real Kim Chiu”.

ADVERTISING

Maging ako na sumusubaybay sa aktres, hindi ko alam na ganun pala ang pakikipagrelasyon niya sa mga non-showbiz friends niya. Ang alam kasi natin ay ang pakikipagrelasyon ng aktres sa mga kaibigang showbiz niya na nababasa natin sa social media at sa mga interviews sa telebisyon.

But the real Kim, ilan lang ang nakakakilala.

Kaninang umaga, Tuesday ay guest si Kim sa morning show na Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

ADVERTISING

Sinorpresa si Kim ng dalawang bestie niya na mula pa nang magkakilala at magkasama sila sa bahay ni Kuya sa PBB ay itinawid ng aktres to a higher level ang friendship nila.

Until now, in touch pa rin si Kim sa kanila sa kabila ng maraming pagbabago na nangyari sa buhay ng ka-housemate nila.

 Ni-reveal ng 2 kung gaano kabait si Kim at sa pagiging generous nito. No wonder kaya tuloy-tuloy ang mga biyaya sa aktres.

Kuwento ng dalawa na sina Olyn Membian at Mikki Arceo na malaki ang naitulong ni Kim sa kanila. Si Mikki ay lumalago na ang negosyo sa Luzon at sa Mindanao na “kasosyo” si Kim at ngayon ay papasukin na ang Visayas as their next target market.

KAYA #BLESSED SA LIFE: Kabaitan ni Kim Chiu, hindi matatawaran!
Kim Chiu with ex-PBB housemates Olyn Miemban and Mikki Arceo

Yong isang dating PBB ka-housemate ni Kim na si Olyn naman ay hayagan sinabi ang malaking tulong ng aktres sa kanya na si Kim pa mismo ang tumawag na sinuportahan ng aktres.

Sa mga ka-batch ni Kim sa PBB ay mga girls ang mga regular nila nakakasama.

Kuwento nga nga dalawa, sa isang get together nila na hindi nakasipot si Kim, kapalit ng kakulangan ng aktres na hindi ay nag-aya ito na lumabas sila at bilang sorpresa ay ipinag-shopping ni Kim ang dalawa.

Ang tagahanga ni Kim na si Juliet Rodriguez ay naging kaibigan na ng aktres na very loyal sa kanya na kahit saan si Kim ay present si Juliet at dala-dala ang banner at light board na itinataas nila at proud na proud sa kanyang suporta kay Kim.

KAYA #BLESSED SA LIFE: Kabaitan ni Kim Chiu, hindi matatawaran!
One Great Love writer Kim with writer Gina Marissa Tagasa, Direk Eric Quizon , Dennis Trillo, Kim Chiu, JC de Vera, Miles Ocampo and Marlo Mortel

Goodluck Kim sa MMFF 2018 Regal Entertainment entry mo na One Great Love with Dennis Trillo at JC de Vera. Puring-puri ka ni Direk Eric Quizon kaya personal choice ka nya sa next project mo with Marian Rivera and Miss Susan Roces.

More power. More love at forever na sana.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING