Kaya ‘di maiwan-iwan ng lalaki Maja Salvador, sobrang magpakita ng pagmamahal!

ADVERTISING

Kaya ‘di maiwan-iwan ng lalaki Maja Salvador, sobrang magpakita ng pagmamahal!

Kaya ‘di maiwan-iwan ng lalaki Maja Salvador, sobrang magpakita ng pagmamahal! PASINTABI KAY MAJA Salvador, pero may ibubuking kami tungkol sa kanya. Ayaw namin itong gawing blind item, dahil ito ay isang malaking sagot sa napapanahong katanungan kung anong mayroon ang magandang young actress para siya sobrang mahalin ng mga kalalakihan? Marami kasi ang nawindang nang dahil sa kanya ay magkaroon ng alitan sina Coco Martin at ang boyfriend niyang si Matteo Guidicelli, kaya sinasabing napakahaba naman ng kanyang hair.

Mamahalin mo raw talaga at hindi malilimutan si Maja dahil mayroon siyang naiibang katangian kung papaano magbalik ng pagmamahal at pag-aalaga sa lalaking nakakarelasyon niya. Napakalam-bing din daw ng young actress. Si Maja raw ang tipo ng babaeng yayayain mong pakasalan, dahil wife material talaga siya. Mayroon daw pangyayari, na ang isang naging boyfriend niyang actor ay dinapuan ng lagnat, at nagkataong magkasama sila. Talaga raw pinunasan ni Maja ng bimpo at mainit na tubig ang katawan ng aktor, at nagpahanap pa ang dalaga ng boy na maghahagilap ng mabibilhan ng gamot sa kinaroroonan nilang lugar para sa lagnat ng kanyang dating boyfriend.

Inamin ni Matteo na mahal na mahal niya si Maja, at magkarelasyon pa rin sila hanggang ngayon. Kasi nga, mahirap maka-limutan ang pagmamahal ng young actress. Huwag na sanang magselos si Matteo, dahil nangako naman siyang hindi na magseselos. Pero samahan na lang natin siyang manghula kung sino kina John Wayne Sace, Jason Abalos at Carlo Aquino ang aktor na inalagaan ni Maja habang magkasama sila at lagnatin ang binata nu’ng magka-relasyon pa sila!

 

ADVERTISING

NOONG SUNDAY, NANGYARI ang unang pagharap sa kamera ni Joseph Bitangcol nang sumalang siya sa presscon express ng Paparazzi sa TV5. Nagkataong naroon din kami sa studio nang hapong iyon, kaya nagulat kami sa hitsura ng young actor. Parang sobrang okey ang kanyang hitsura na mas gumwapo pa kesa dati at hindi mo aakalain na may pinanggali-ngan siyang malagim na aksidente na nagpahirap sa kanya nang todo-todo.

Kalbo ngayon si Joseph, na bumagay sa kanyang porma. Medyo payat pa siya nang konti, kaya nagmukha siyang bagets.  Matagumpay ang mga operasyong ginawa sa kanya, dahil napakapulido noon. Walang mahalatang peklat. Naka-shades siya nang hapong iyon, pero nang lumapit siya sa amin at tanggalin niya ang suot niyang shades, nakita naming medyo namamaga pa ang kanyang kaliwang mata, kaya hindi pa pantay sa kanan niyang mata.

Kailangan pa ni Joseph na magpahinga, pero gustung-gusto na rin niyang magtrabaho. Hindi ko matagalan na tingnan ang kaliwang mata ni Joseph, dahil nalulungkot ako para sa kanya. Napakabait at mapakisama kasi siyang tao. Sana talaga ay namamaga lang ang kanyang kaliwang mata, at guma-ling din iyon at bumalik sa normal. Dahil kung hindi, lagi na lang siyang naka-shades. Puhunan kasi niya sa kanyang trabaho bilang artista ang kanyang hitsura, kaya importanteng kumpleto siya.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING